Carry POV
Masakit tuwing nakikita ko silang palaging magkasama. Naiinis ako, pero wala akong magawa kasi, Mistress? Kabet? Querida? Lang ako ni jack. If that was the right term to called me.... Bakit ko ba kasi pinagsisiksikan sarili ko sa taong iba ang pakakasalan.
'Well, because you love her bitch!' - sabat ng mahadera kong utak!
Nandito kami sa cafeteria, pero nakaseparate ng upuan sila jack at ang malanding si Christina. Tumatawa pa sila, and its killing me.
"Easy lang gurl. Kawawa yung chicken sayo." Sabi sakin ni jess na tumatawa.
Kumakain kasi kami ng Fried Chicken.
"Wala akong pake!" Tapos umalis na ako.
Napadpad lang naman ako sa field. Ang swerte ko nga naman kasi walang tao ngayon dito. Makakapagpahinga din.
"Hey."
"Bakit ka nandito?" Nakataas ang kilay na sabi ko.
"Well, masama ba na mamiss ang girlfriend ko?" Sabay wink niya sakin tapos kiss sa pisngi ko
.
"Nambobola ka na naman. Dun ka na sa CHI mo!" Asar na pagkakasabi ko.
"Ayaw ko nga." Tapos pinaghahalikan yung pisngi at tyaka fingertips ko.
"So bakit ka umalis sa caf kanina?"
"Naasiwa ako sa paglalandian niyo." Sabi ko sabay tatayo na sana ng hawakan niya yung kamay ko.
"Where do you think your going babe?"
"Naasar ako sayo!"
"Bakit ka maasar sakin? Eh kahit katabi ko si Christina, ikaw naman yung nandito *turo sa puso* at dito *turo sa isip*" namula naman ako. Gawd! Bakit ba ang bilis kong kiligin pag siya yung nagsasabi ng mga yan.
'Boba! Malamang, mahal mo yan, talagang kikiligin ka!' - Nakiepal na naman tong mahadera kong utak.
"Ihh! Kinikilig yung babe ko, bati na tayo ah. Wag ka na ulit magseselos. Please?" Sabi niya naman
.
"Di ko maipapangako, pero pipilitin ko." Naka pout na sabi ko. Kiniss niya naman agad lips ko.
"Kiss stealer." - tumatawa na sabi ko.
Nagasaran lang kami hanggang sa bigla siyang nagseryoso. Nagulat naman ako kasi iba yung itsura niya.
"Babe, can you be the made of honor of chi?"
"NO!" Agad na sagot ko. Sino ba ang taong tanga na, gustong panuorin ang pagsasaisang dibdib ng mahal niya at ng nangagaw sa mahal niya! Malamang wala! Lalo na kung makikita ko siyang masaya habang papalapit yung Chi na yun. Sabi nga nila, ang pinakamaganda daw sa kasal ng isang tao, yung BRIDE! So no way! Hinding-hindi ako papayag! NO FUCK*NG WAY!! "NO talaga Babe! Di ako papayag kahit anung mangyare!" Ulit ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Your my one and only
RomanceGXG or GIRLxGIRL. Para sa mga bi na katulad ko 😉 MABUHAY 😂