Chapter 30

430 9 0
                                    

Guys medyo may pagkamalandi tong Chapter na to. Hahahaha!

===========•••==========================••••=============

Carry POV

Andito ako sa bahay. Nagaayos na ako ng gamit ko.

Pagpasok ko sa Room nabigla naman ako kasi andito yung buong team. Anyare?

"Yo! Guys. Bakit kayo nandito?" Tanung ko.

"Paguusapan natin kung saan tayo magva-vacation" sabi ni ate gelle. Tapos tumayo na siya.. I mean sila palang lahat.

Nakisabay naman ako sakanila. Hinanap ng mata ko si Jack. At kasama naman yung nathalie. Tsh! Flirt -.-

Diko namalayan na nakarating na pala kami dito sa Field. Pero sa bench na kami umupo. Medyo malilim kasi dun.

"So guys. Saan niyo gusto magvacation?" Sabi ni trace.

"Samin na lang!" Masiglang sabi ni teddy.

"Palagi na lang sainyo. Sa iba naman" sabi ni ate gelle.

"Craig? Sa resort niyo kaya?" Tanung ni ate gelle kay craig.

"I dont like." Sabi naman niya. Sa batangas daw kasi yung resort nila craig

"Alam mo ang arte mo. Tsh!" Sabi naman ni jess kay craig na umirap pa

"Stop talking." Sabi lang ni craig kay jess.

"So kanino pwede?" Tanung ni ate gelle.

"Anyone?" Tanung naman ni trace.

"Okay." Sabi naman ni jack. Anong okay? Eh hindi pa nga alam kung saan eh. Etong taong to talaga.

"Anong okay bro?" Tanung ni trace

"I mean. We can stay there in our ---"

Di pa natatapos ni jack yung sasabihin niya ng magsalita si trace ulet.

"God! Himala ah. Seryoso ka bro? Yessshhhh! Antagal ko ng di nakakapunta sa boracay! Myghad!" Sigaw ni Trace.

"Anong Boracay?" Sabay na tanung namin ni jess.

"Kasi may-ari sila jack ng Hotel and restaurant sa Boracay. So i assume na dun tayo sa boracay magvavacation" tumango naman si jack para sabihing tama yung conclusion ni Trace.

"So deal na ah. Kami na lang magdedesignate kung sino-sino ang magkakatabi sa rooms" tapos umalis na si ate gell at trace.

Nakaupo lang ako dito. Umalis na din ang mahaderang nathalie na parang linta kung makakapit kay jack! Kainis! Naalala ko parin yung kiniss niya si jack!! Ugh!!! Nakakainis!

Di ko napansin na may nakatingin pala sakin.

"B-Bat ngumingiti ka jan?!" Tanung ko na kunyare galit pero nauutal naman ng medyo slight at KINIKILIGGGGG!!

Si jack lang naman na nakangiti habang tinitignan ako. Sino ang hindi kikiligin diba?! Mygod.

"Para ka kasing baliw na kinakausap yang sarili mo eh. Paiba-iba expression" sabi niya na nakangiti.

"Tsh! Wala kang paki!" Tapos umalis na ako.

"Hoy! Wag mo nga akong iniiwan!" Sabi niya.

"Wag mo nga akong sinisigawan!" Sigaw ko sakanya. Kaso pagtingin ko hinila na lang ako bigla. Ang hilig manghila neto!

Pinunta niya ako sa Room na walang nagkla-klase at malayo sa mga tao. Actually wala ngang dumadaan dito.

"Hoy bakit mo ko dinala dito!" Sigaw ko sakanya.

Your my one and onlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon