Jack Pov.
Ilang weeks na ang nakalipas. Madami ng nakakapansin na okay kami ni Carry. Di naman yung palagi kaming magkasama, pero pagnagkakasabay na magLunch yung grupo namin kinakausap ko siya. Siya naman napipikon. Haha. Namiss ko to. Yung ganto lang. Siguro maghahanap na lang ako ng bagong lovelife. Pero Aral muna ngayon :))
Pababa na kami. Papuntang tambayan. Tawa kami ng tawa na parang kami lang yung tao sa hallway. Ganto kami. Walang makakapigil pag nakatrip kami.
Madaming tumitingin. Madami din nagbubulung-bulungan pero dinig naman. Jusko. Kasama na din namin si trace everyday. Ayaw ni Gelle ng sweet kasi naaalibadbaran siya kaya pagminsan lang nakakabanat tong si trace. Grave yung Sikat na Tomboy naging Under sa isang pangkaraniwang estudyante dito sa Campus. Hahaha. Opo Sikat si Trace dito. Tinitilian siya. Pero si Mhaye talaga ang halos lahat. Pero di naman siya Boycut. Sabi ko nga sa inyo dati diba? Remind ko lang :D
"Grave. Laughtrip yung ginawa ni Mrs. Villafaña. Hahaha. Natawa ako dun." Sabi ni Gail na tawang tawa sa pagpapahiya dun sa isang estudyante na kaaway niya. Or should i say insecure sakanya.
Umupo na kami agad nung nakarating sa tambayan. Hayzt! Di pa din kami naguusap ni Nadine. Its almost 1month. Miss ko na kaya tong madaldal na babaeng to.
Panu ba naman kasi. Lalapit pa lang ako iiwas na. Anu yun? Germs ako? Eh ang bango ko nga eh. Malinis pa ako sa katawan kahit ganto ko kataba! Hmp :3
"Jack. Padeliver ka nga dito." Sabi ni Cherry na nagbabasa pa din ng pocketbook
"Yung totoo Cherry ? Inuutus utusan mo na lang ako ngayon? Grave naman." Sabi ko na nagrereklamo sa parang walang nakadinig na tao dito. Kaya nagpadeliver na lang ako. 12SnackBox. 12 two piece chicken. 12Crushers. Yan lang. Nakakahiya naman kasi sakanila.
Mag isa lang ako dito sa sofa. Nakahiga ako eh. Kaya wala silang magagawa. Si trace at gelle nagcr. Tapos si Andrea. Jane. Giselle. Den. Mari.Terry. Gail. Naglalaro ng monopoly. Si Cherry syempre basa basa lang. Si Nadine nakita ko sa Single sofa. Natignan ko din siya na nakasulyap siya sakin. Suyuin ko nga baka medyo nawala na galit niya sakin.
Lumapit na ako sakanya. Nung papalapit ako aalis na siya kaya binilisan ko yung paglalakad ko at tyaka inabot ko yung wrist niya. Nabigla siya. Hinila ko siya at pumunta kami malayo sa mga kaibigan namin.
"Jack. Ano ba?" Tinignan ko siya at nginitian. Di to makakaalis kasi hawak ko yung wrist niya. Nakaupo na kami dito sa isang sofa malapit sa bar ng tambayan namin.
"Bitawan mo nga ako! Jack namaan eh" sabi niya na naiirita. Natatawa na lang ako. Tinignan ko siyang mabuti hanggang sa tumingin siya sakin. Nginitian ko siya. Walang sawang ngiti. Hahaha. Kinurot ko yung pisngi niya. Namula kasi. Halata siyang namumula kasi sobra niyang puti.
"Bati na tayo? Pretty Pleaaassseee? Miss na kita eh" sabi ko. Lalo naman siyang namula.
"A-aah. Ee-eh?"
"Uy. Bat ka natulala? Natatakam ka na yata sakin eh. Yummy ba ako? Grave. Iniisip mo na sigurong lechon ako." Sabi ko. Natawa naman siya
"Nagbalik ka na. Namiss din kita" sabi niya na nahihiya.
Hinakap ko siya. Masaya lang ako kasi bati na kami. Yessss.
"Aa-aah ja-jack. Nasasakal na ako" napabitaw naman ako sakanya.
"Namiss lang talaga kita." Sabi ko na nagpo-pout.
"Wag ka ngang magganyan." Sabi niya na nahihiya na naman.
Binelatan ko lang siya. Tinignan ko siyang mabuti. Maganda, Sexy, Maputi, Matalino. Nasakanya yung mga gusto ko sa isang babae. Kaso bat ganto? Di ko mafeel yung sinasabe nilang mag i-slow mo yung paligid. Yung siya lang yung makikita mo...
BINABASA MO ANG
Your my one and only
RomanceGXG or GIRLxGIRL. Para sa mga bi na katulad ko 😉 MABUHAY 😂