Chapter 13

683 15 0
                                    

Carry Pov

May pov na din, dapat di pa talaga pero dahil gusto ko kayong malinawan. Eto na. Uumpisahan ko muna ah.

Carry Benito! Isa akong pangkaraniwang tao lang dito sa school. Pero simula nung ligawan ako ng dalawang sikat nagbago lahat. Si Jeb, Gwapo. Mayaman. Dancer. Singer. Ssg. At crush na crush ko siya. Ewan ko kung bakit. At ang isa pa. Si Jack. Di ko akalain na nagkakagusto siya sa kapwa niya girl. Kasi nung Grade 7 ako. Siya ang unang una na naging close ko dito sa Campus. Sobrang bait niya. Caring din siya. Sweet. At sikat. Di ko pa alam dati na sobrang sikat nila ng mga barkada niya. Sa bawat classroom dito sa campus may mga tag iisa na nagkakagusto sa kanila. Di ko alam bat niya ako nagustuhan. Im Nobody! Wala. Ang maipagmamalaki ko lang? Drummer ako. At may konting talino. Medyo nakakaangat din kami sa buhay. Nagpaligaw ako kay jack kahit labag sa loob ko kasi gusto ng friends ko. Sabi nila di ko naman gusto kaya saktan ko. Dare! Dapat daw maging kami in 1week. Kaya pumayag na din ako. Katuwaan lang

Simula nung nanligaw si jack. Madaming nawasak ang puso dito. Loyal daw siya. Wala pa nga daw yata siyang nagugustuhan eh. Kaya ang swerte ko daw. Kaso iba ang gusto ko.

Hinihintay niya ako kahit wala siyang napapala sakin. Kay jeb ako sumasama lagi. Nagpahatid din ako sakanya minsan pero di na naulit yun. Binigyan niya ako ng bracelet. Actually di ko trip ang ganun. Kaya nilagay ko lang siya sa cabinet ko.

Pero nagbago lahat yun nung nakita niya ako sa labas ng kotse ni jeb. Medyo gabi na nun kasi may kailangan pa daw tapusin si jeb. Nalulungkot ako kasi medyo nagiging cold na sakin si Jeb simula ng araw na yun. Di niya ako kinuha sa bahay. Di siya nakipaglunch. Tapos nung uwian. Ang tagal niya lumabas. Kaya napilitan akong sumama kay jack. Dinala niya ako sa mall. Di ko talaga kaya ngumiti man lang. Pero dahil napansin niya na sad ako. Kung ano-ano ginawa niya sa mall. Pinagtatawanan siya kaya natawa na din ako sa ginawa niya. Sumasayaw tapos kumakanta ng mga iba-ibang lyrics. Tapos binilhan niya pa ako ng ice cream. Gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa niya. Parang sinasabe niya na sasaya ka basta andito ako. Pagkatapos nun inuwi niya na ako. Nakaclose niya yung ate at daddy ko. Pati mga pinsan ko.

At mas lalo kaming nagkasundo simula nung nakita niya akong umiyak. Cinomfort niya ako. Wala siyang sinabe basta ang sabi niya umiyak lang daw ako. Ilabas ko lahat. Umiyak lang ako. Nung natapos akong umiyak. Di niya tinanung kung bakit ako naiyak. Parang alam niyang nasasaktan ako kaya di niya na tinanung kung bakit ako umiyak. Dapat kasi Sasagutin ko na si jeb that day. Kaso naunahan niya ako. Sabi niya Dare lang ang nangyare. Kailangan niya daw tumagal sa panliligaw sakin. Yun ang nangyare. Masakit. Pero wala akong magagawa.

Pero simula ng araw na yun naging close kami ulit ni jack. Ngayon ko na lang ulit nakita yung super caring na jack. Na sinusundo niya ako. Sabay kaming maglunch at inuuwi niya din ako. Pagminsan nagpupunta din kaming mall. At kung ano-ano ginagawa niya para lang mapatawa ako. Sa ilang weeks pa lang ang dami ko ng nalaman sakanya. At di ko na din naisip si jeb simula nun. 1 buwan lang na nawala ang feelings ko kay jeb. At isang buwan lang nagkaroon agad ako ng feelings kay Jack. Di niya naman sinasabe kung nanliligaw siya. Nagseselos din ako kay Pearl. Ewan ko ba. Kahit niloloko ko siya dun may kirot pa din akong nararamdaman. Lalo na pagkasama niya yun.

Intrams pala ngayon. At basketball lang ang sinalihan ko. Ayaw ko nga sanang sumali para makita ko si Jack na naglalaro. 3pointer siya at tyaka pang block :D Mataba yun eh. Haha. Pero wala akong paki. Wala ka ng mahahanap ngayon na Loyal! Mabait! Matalino! May itsura pa. Bonus pa na mayaman siya. At syempre may nararamdaman ako sakanya.

1st game pala kami. Kalaban ang Grade8. Tapos 2nd Game 4th year at tyaka Grade7. Sure akong mananalo ang 4th year. Marami silang players at magaling. Si Mhaye, Jack. Trace, Giselle at Syempre ang MVP si Gelle. Sobrang galing.

Your my one and onlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon