NagDri-Drive ako. Kaya di ako makapagdaldal. Sinusubuan naman ako ng BestFriend ko na nasa Frontseat. Sweet namin no? Haha
Medyo malayo layo na to kaya sure ako magtatanung na sila. Pupunta kami sa Baguio. Opo! Baguio, May Rest house naman kami dun kaya dun na lang kami magistay. At tyaka may mga kasya naman silang damit dun.
"Jack! Saan ba tayo pupunta? Lumalayo na oh. Gabi na din. Di pa ako nagpaalam kay Mama eh" sabi ni Mari na kinakabahan na. Tumawa lang naman ako.
"Oy! Jack! Kausapin mo nga kami. Saan ba talaga tayo pupunta." Sabi ni Terry na banas na. Tinawanan ko lang ulit. Laughtrip na ako dito.
"Isa pa! Pag di mo pa kami sasagutin mapapatay kita!" Sabi ni Gelle! Dyan lang naman ako takot.
"Hehe. Sa Baguio. Dun tayo sa rest house." Sabi ko tapos tawa
Kaso pinagbabato nila ako ng chichirya.
"Hoy! Magagalit mama ko! Tapos wala pa tayong damit! Its so dirty na oh!" Sabi ni Den na naghihisterical na.
"Syems! I need to call Mom na. Magagalit yun." Sabi bigla ni Cherry.
Si mhaye at jane naman at Andrea at Giselle. Okay lang. Di naman sila papayagan. Yun ang alam nilang apat. Kaya okay lang sila. Pinagtatawanan sila Terry. Mari. Den. Gail. Cherry. Gelle. Pati si Nadine. Yes. Kasama siya.
"Guys easy okay. Tinawagan ko na lahat ng parents niyo. Pinagpaalam ko na kayong lahat. At okay daw." Sabi ko kasi napapaiyak na si Gail.
Napa *Sigh* naman sila. At kumain at kwentuhan na naman.
Sinubuan na naman ako ni Gelle. Wala lang naman samin to. Di ko kayang kumain eh. Ganyan din naman ako sakanya minsan kaso
pagsusubuan ko susungitan na naman ako pero kakainin din naman. Gulo ng bestfriend ko diba.
"Woah. May nagseselos" sabi ni mhaye na kunayare tumingin sa bubong ng Van. Pero halata naman na kay Nadine yun -_-
Tinignan ko mukha niya sa salamin at pagtingin ko para na ngang bulkan. Parang dragon.
Naging Awkward naman. Sira ulo talaga tong mhaye na to. Pero na cu-curious pa din ako may nagkakagusto sakin kahit ganto katawan ko? Tsh.
"Btw jack. Pasyal tayo mamaya ah. Pero kuha muna tayo ng Jacket at magpapalit muna kami." Sabi ni giselle na tumango ang lahat. Malapit lang samin ang baguio.
Nung nakadating kami binigay ko sakanila yung mga damit at jacket. At habang hinihintay ko sila nagtext muna ako.
"Hi princess. Musta na?" Text ko kay Carry.
10min....
20min.....
1hour...... Walang Reply
"Jack. Okay na. Punta na tayo" Nagliwaliw na muna kami. 9pm na kami nakauwi. Last kasi namin na pinuntahan ay yung SM baguio. Naenjoy naman nila
"Grave jack. Napagod kami." Sabi ni andrea.
"Hahaha. Pahinga na kayo ah." Sabi ko sakanila.
"Sino pala magkakatabi sa isang kwarto?" Sabi ko kay Mari
"Me. Jane, Mhaye, Den, Terry" sabi niya naman. "Tapos sa kabila si Cherry. Andrea.Giselle, Nadine. Gail"
"Ah sige. Tabi na kami ni Gelle." Sabi ko. Medyo napatingin naman sila sakin.
"May problema guys?" Tanung ko.
"Kayo lang dalawa sa iisang room?" Tanung nila.
Tumingin naman ako kay gelle at tumawa kami. Inakbayan ko siya at pumasok na kami sa kwarto. Pero bago kami pumasok "GoodNight Guys. Bukas na lang ulit." Sabi ko at pumasok na.
BINABASA MO ANG
Your my one and only
RomanceGXG or GIRLxGIRL. Para sa mga bi na katulad ko 😉 MABUHAY 😂