Jack Pov
4hrs before PROM
2pm pa lang pero naligo na ako. Sabi kasi ni jonas dadating na daw siya kaya naligo na ako.
After 30 min.
"Sakto! Akala ko magdadamit ka pa eh buti nagbathrobe ka lang" sabi ni jonas nung pagdating niya
Kinulot niya muna yung buhok ko. Tapos minemakeupon na niya ako. Medyo matagal daw kasi makulot buhok ko at aayusin niya pa daw kaya dapat ma-make upon na ako.
4:00 na ako natapos magbihis at ayusin yung make up. Mamaya pa daw tatanggalin yung pagkakakulot.
Mga 5:30
Nanunuod lang ako at tinext yung barkada. Nagpahanda kasi ako ng flowers na ibibigay nila pagkatapos kong sabihing "Pwede ba kitang ligawan" naeexcite na ako.
5:30........
Inalis na yung kulot. At inayos na ni jonas.
6:30 inihatid na ako nung kotse.
Kasama ko si Rinoa. Kilala naman siya nung barkada eh. At tyaka dinala din ni Andrea si Eli. Kapatid niya. May makakausap na yung kapatid ko.
Nung dumating ako may nagescort kung anung section daw ba ako. Nakita ko agad sila Mari, Jane, Andrea at Giselle. Wala pa yung iba. Kasabay ko si Nadine. Nakita ko siya na dumating.
"Wahhh. Jack! Im excited!" Sabi ni Giselle
Ngumiti lang naman ako.
Kinakabahan ako eh
"Guys. Eto pala si Rinoa Kapatid ko. Rinoa si Giselle. Jane. Andrea. Mari. And Nadine. " nakipagshakehands naman siya sa iba.
Umalis na muna yung kapatid ko. Dumating na din sina Gelle. Den. terry. Gail. Mhaye. Cherry.
NagRegudon. Kami nila Andrea at Giselle at terry. Yung iba naman Swing.
Nung nagpublic dance na. Sabi nung MC na. 11 hanggang 1 lang daw yun tapos may Special daw na gagawin pag 1:30 na. Sa tingin ko alam ko na kung anu yung special na yun.
Madaming nagsayaw sakin. Syempre sikat nga diba :D At tyaka pala kaibigan ako. Tapos yung iba nagthank you. Tapos yung iba may message. Ni hindi na kami nakakaupong magbabarkada kasi may kumukuha agad samin. Syempre di kami makatanggi. Yung mga lalaki naman ikot ng ikot. Hanap ng hanap ng maisasayaw.
Hanggang sa naging 1:30 na. Kinakabahan ako. Di daw siya ang first dance ko sabi ni Mhaye. Kailangan daw marami muna ako isayaw. Pinuntahan ko si Andrea. Pero di yan yung barkada ko. Grade9 din. Kaklase ni Carry. Di nagsasayaw si carry. Kinakabahan ako. Baka tanggihan niya ako. Naglagay ako ng kamay sa harap ni Andrea tapos nginitian ko. Nagtilian naman yung mga kaibigan niya.
"Uh. Ate jack." Sabi niya sakin nung nagsasayaw na kami. Tinitignan ko parin si carry
"Ah. Yeah?"
"May gusto sana akong sabihin sayo" sabi niya ng kinakabahan.
"GO GIRLLL!" Sabi ni princess na kaibigan ni Andrea. Napatingin tuloy ako.
"Ano kasi. May gusto ako sayo. Not in Ate way. In romantic way" sabi niya ng namumula ang pisngi. Mabait si andrea. Maganda din. Close kami. Ang kaso nga lang kasi may iba na akong mahal eh.
"Maganda ka andrea. Mabait pa. At madali kang magustuhan kaso kasi May iba ng nagpapatibok ng puso ko eh, marami pa namang iba dyan na mas better kesa sakin at may iba dyan na mas worth it sa pagmamahal m. pano mo ko nagustuhan eh Mataba ako?" sabi ko sakanya na nakatingin sa mata niya.
"Pero ate. Wala bang pag asa na magustuhan mo man lang ba ako? at di naman ako tumitingin sa weight and height. Sa ugali ako tumitingin."sabi niya na teary eyed na at nakatingin sa baba.
Itinaas ko ang ulo niya at pinunasahan ang luha niya. Ibinalik ko siya sa upuan niya.
"Bro! Anyare dun?" Sabi ni Trace. Umiling na lang ako
Sinayaw ko lahat ng barkada ko at si trace. May ibang senior din na sinayaw ako. Tapos eto na! Last.
"Can we dance?" Tanung ko sakanya. Natatakot ako na di siya pumayag.
"Si-sige"
"Sinong first dance mo?" Kako sakanya. Alam kong si jeb. Kanina pa ako nakatingin sakanya.
"Ah. Si Jeb. Bakit? Ikaw?" Sabi niya. Kinakabahan ako paghawak ko kamay niya. Yung feeling na nakukuryente ka pero siya Cool lang.
"Wala naman. Si Denis." Tapos ngumiti ako sakanya
"Bakit mo ko iniwasan nun?" Tanung ko na nabigla siya.
"Ba-balik mo na a-Ako. Masakit na paa ko eh." Sabi niya. Sinenyasan ko yung barkada para makalapit.
"Carry. Pwede ba kitang ligawan?" Sabi ko sabay ngiti at abot sakanya ng bulaklak. Kinakabahan ako. Di siya nagsasalita. Tumingin siya sa mga kaibigan niya.
Halata ko din na kinakabahan yung barkada ko.
"Pwede bang pagisipan ko" sabi niya sakin ng nakayuko. Mas okay na yun kesa naman nag hindi siya.
"Sige. Para sayo pala." Sabay bigay ko ng flowers. Bigla na lang dumating si Jeb.
"Bro. Bat kayo nagkukumpulan?"
"Ah. Wala jeb. May ginawa lang kami" sabi ni mhaye. Halata niyang di ko na kayang magsalita.
"Carry alis na kami. Bye" sabay flash ulit ng ngiti. Nakita ko sa mata niya na may gusto siya kay jeb. The way she look at jeb! Ang sakit. Di ko alam kung okay pa ba yung sinabe niya na pagiisipan niya.
"Jack. Halika ka na." Sumunod na lang ako sa utos ni gelle.
"Guys paki hanap nga si Rinoa." Sabi ko. Gusto ko ng umuwi. Ansakit ng ulo ko.
Nung nakita na si rinoa pinatawagan niya si manong na sunduin kami. Dumating din naman agad si manong.
Nagpaalam ako sakanila....
BINABASA MO ANG
Your my one and only
RomanceGXG or GIRLxGIRL. Para sa mga bi na katulad ko 😉 MABUHAY 😂