Jack Pov.
Sira ulo talaga yung dalawang yun. So lumabas nga muna ako para makapagusap si Gelle at Trace.
Dito lang ako sa tapat ng room ng biglang may nagtawag sakin na FreshMen. Di ko kilala to.
"Ate. Binubugbug po si ate mhaye sa parking." Sabi nung freshmen na hinihingal
Tumakbo na ako pababa. Nu bayan! Pagbaba pa lang pagod na ako. Taba ko kasi eh -_- Badtrip!
Andito na ako sa Parking. Loko talaga. 3Lalaki ka suntukan ni Mhaye ngayon. Kuya siguro ng iniwan niya na babae to.
Pagkadating ko Sinuntok ko yung isa sa mukha. Napaupo naman yun.
"Aba! Gago to ah! Pu*ang i*a Humanda ka sakin!" Nagmumura pa -_-
Pagkatayo niya sinuntok niya bigla mukha ko. Ansakit! Di ako nakailag panu naman nakasuntok na siya iilag pa lang ako. So sa kasamaang palad. Ako pa yung nabugbug! Si mhaye may isang sugat lang! Ako as in! Yung tyan ko!! Namimilipit na ako sa sakit. Pinuntahan ako ni mhaye. Buti talaga dumating din yung mga Security Guard.
"Jack! Tumayo ka jan. masisira image mo eh."
"Masakit tyan ko Mhaye! Ano ba naman. Wala ako pakielam sa image na yan." Sabi ko.
So buti dumating din yung Nurse. Pinatayo ako at pumunta sa Clinic.
Madaming tsismosa! Nakakainis! Kung tinulungan niyo kami kanina edi sana wala ako dito!
Paglabas ko andaming mga kunyareng concern na students -_- tsh! If i know.
Nagpunta ako sa Room. At ang barkada mga baliw kung makatawa. Buti wala si Gelle. Isa pa yun. Alam ko hinila siya ni Trace kanina tapos Booshhh wala na silang dalawa.
"Oy. Andyan na yung super hero natin!" Tapos tawa nila.
"Sira ulo kayo ah." Tapos upo na ako sa upuan ko.
"Hahaha. Kambal naman kasi. Alam mo na nga lang na di ka marunong makipagbugbugan tapos Tumulong ka pa" tawa na naman nila.
Inayos ko na lang yung mga gagawin namin na report mamaya.
Nung uwian namin pumunta ako agad sa room nila Carry. Nadatnan ko na lang na kasama niya na naman si Jeb.
Hayzt.
Bago pa ako makapagsalita nagsalita na agad si Carry
"Jack. May pupuntahan kasi kami ni Jeb eh. Sorry" napatango at ngiti na naman ako. Wala na ako sa sarili ko.
Andito na ako sa bahay. Wala akong magawa. Matawagan nga si BestFriend.
*the number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.*
Sabi nung sa Cp. anyare dun?
*ringgggg* *ringgggggg*
Napabalikwas ako ng tumunog Cp ko. Si tita? Problema neto?
Me : Hello po tita? Why?
Tita : did you know where your bestfriend right now? Di ko siya matawagan eh.
Me : wala pa po ba jan sa inyo?
Tita : wala pa eh.
Me : sige po. Tawagan ko po yung barkada. Hanapin po namin siya tita
Tita : Thank's Jack. Ang bait mo talagang bata.
Me : sige po. Bye
*toot* *toot* *toot*
Tinawagan ko lahat. Sabi nila hanapin daw nila. Syempre ako. Si trace pa pala.
Nung pagkatawag ko sakanya wala na daw dun. Hahanapin niya daw.
BINABASA MO ANG
Your my one and only
RomanceGXG or GIRLxGIRL. Para sa mga bi na katulad ko 😉 MABUHAY 😂