Jack Pov
Pagbalik ko sa kotse sobrang saya ko. Di ko alam pero parang may fireworks kahit wala naman. Yung sakit ng ulo ko kanina biglang nawala. Then yung puso kong nadurog kanina parang naHeal. Naging Buong buo.
Nagtataka din si Alison kung bakit ngiting-ngiti ako. Tanung siya ng tanung. Pero di ko na lang pinansin.
"Ate naman ihhhh! Sabihin mo na poo. Pleeaaasssseee!"
"Im happy because youre happy baby! :)" Sinungaling ko sakanya.
Bahayyyy ------
Bumaba ako agad ng kotche at pinagbuksan si Alison. Yung ngiti ko parang nakaplaster na sa pagmumukha ako.
Pwede na akong manligaw! Yessss.
Pumasok na kami sa Bahay. Kaso nagulat ako ng nandun yung Barkada.
"Uy. Okay ka lang jack?" Sabi ni Giselle.
"Yeah. Ako pa" sabi ko sabay thumbs up. "Bat pala kayo nandito lahat? Reunion? :D" tawa ko sakanila. Nabigla naman sila. Akala nila siguro dinamdam ko yung kagabi. Pero tama naman sila kaso ngayon OKAY NA!
"Di ka kasi sumasagot sa tawag at text namin eh. Akala namin naglasing ka. Eh may pasok pa naman bukas." Sabi ni Gail
"Oy! Ikaw! Ginawa mo pa akong messenger sakanila kanina ah. Buti na lang kaibigan kita kung hindi kanina pa kita pinasalvage." Sabi ni Gelle na ang tinutukoy ay yung nagText ako sakanya kanina. At inutusan ko na sabihin sa barkada na wag muna ako itext :D
"Sorrreeeeyyy na! Peace na tayo. Okay? Hahaha." Sabi ko kay Gelle. Tapos kinurot ko pa yung pisngi.
"Teka nga! Parang may mali eh. May sakit ka ba? Bat masaya ka pa? Eh kagabi lang para kang gumuho ah. Anyare?" Tanung ni Gelle na ikinatingin ng lahat sakin.
"Ano kasi eh. Haha. Kasiii" kwento ko sakanila
"Ano!!?" Nanggagalaiti na tawag nila sakin at excited na malaman.
"Nakita ko si Jeb at Carry kanina" di pa ako tapos pero nagsalita na sila
"O anung masaya dun?" Sabi nilang lahat ng sabay sabay
"Pwede ba patapusin niyo muna ako! Ganto kasi yun. Actually dahil kay Alison kaya kami nagkita. Nawala kasi si alison kanina. Pero may binili pala siya para sakin. At ang nagpahiram ng pera sa kanya ay si Carry. Nakita ko sila sa labas ng dep. store! Tapos umalis kami agad kasi biglang dadating si Jeb. Nagpunta kami sa Ice cream Parlor. Medyo natagalan kami. Then nung nasa Parking Lot na kami, nakita ni alison si Carry. Eh di ko na nabalaan kaya yun. Tapos sira pala yung tires nung mokong na si Jeb kaya pinasakay ko na sila sa Kotse ko. Nabadtrip pa si alison nung una kasi sabi ni Jeb na. Were like a family and your ate is our driver. Kaya nagalit si alison sakanya. Nasa likod kasi silang tatlo. Tapos nung umalis si Jeb. I mean nung nahihatid ko na. Nagpunta sa harap yung dalawa. Kinandong ni Carry si Alison sa front seat. Tapos nung bumaba siya sabi niya magusap daw kami. Tapos yun! PWEDE NA DAW AKONG MANLIGAW! Woooo" sabi ko na napakahaba. Tapos sa huli pinagbabatukan ko sila. Nagkatinginan naman silang lahat kaya hinabol nila ako
"Wahhh. Angelleeeee! Kabayo! Kabilis mo! Araa-ayy ansakit. Peace na tayo. Aww-we sa-sakit. Ta-ta-tama na." Tapos kinuyog na nila ako. Mga sadista ;(
Binitawan naman na nila ako at naupo sa Sofa sa sala. Grave ang dami nila magisa ko lang. Di kaya ako magkabukol neto?
"Jack. Suduin mo ng napakaaga dapat bukas para sabay kayong pumasok" tumango ako at ngumiti sa suggestion ni Mhaye.
"At tyaka jack. Nagawan na namin ng paraan yung issue mo sa school. Okay na. At tyaka di ka naman daw masamang tao para magalit sila sayo ng sobrang tagal" sabi naman sakin ni Jane
BINABASA MO ANG
Your my one and only
RomanceGXG or GIRLxGIRL. Para sa mga bi na katulad ko 😉 MABUHAY 😂