Jack Pov
Naihatid ko na yung dalawa. Napagod ako umupo maghapon. I mean hanggang gabi. Hahaha. Inuwian ko ng pasalubong si alison.
Pumasok na ako sa kwarto at nagshower. Pagkatapos ko. Pumunta na ako sa kama at tinext ang aking babe. Haha, Namula ako sa sinabe niyang Ako ang kakainin niya. Mali pala. Ako daw pala bahala kung saan. Laughtrip siya kanina. Loko yun.
Nagpalit na kami ulit ng phone kanina ni babe. At kinuha naman ni chi yung number ko. Katext ko din si chi. Loko loko eh. Kung ano ano pinagsasasabi.
Pagkatpos ko magGoodnight sa babe ko natulog na ako agad. May pasok pa bukas eh.
Kinabukasan -----
Andito na ako sa room. Wala akong katabi :3 wala kasi si gelle. Kelan kaya balik nun? Miss ko na yung bruha na yun.
4days na namin ni Carry ngayon. Sa 1st week namin isusurprise ko siya ulit :)).
Pinuntahan ko na siya sa room niya at sa tambayan daw kami maglulunch sabi ng barkada.
Andito na kami sa hallway at pinagtitinginan na naman kami. Hinawakan ko lang sa kamay si Carry. Nakasalubong namin si jeb eh. Tsh. Tinapik niya naman yung chin ko kasi napako yung mata ko dun. Badtrip pa din ako kay jeb. Dare lang pala yun. Gago siya.
"Pabayaan mo na. Wala na sakin yun. Kaya dapat wala na din sayo. Tayo na diba" sabi niya kaya naglakad na ulit kami. Tinignan naman ako ng barkada. Tumango lang ako sakanila. Alam na nila yun.
Dito ako sa bar namin sa tambayan. Katabi ko si carry. Naglagay lang ako sa isang baso ng redwine. Bawal ako malasing. Pampatanggal badtrip lang to.
"Ano ba naman yan. Bat ka ba umiinom? Halika nga!" Sigaw niya sakin tapos lumabas kami sa tambayan. Hinila niya ako kaya sumunod na lang ako. Andito na kami sa rooftop.
"Ano bang problema mo jack?! Bat ka umiinom!" Sigaw niya sakin. Walang pumupunta dito.
"Wala. Nagpapatanggal badtrip lang. Kainis kasi eh. Akala ko pa naman mabait yun! Tapos pinagtripan ka lang!" Sabi ko. Pero malumanay lang. Nainis naman siya pero nabigla ako sa ginawa niya.
Hinila niya yung kwelyo ko at hinalikan ako. Passionate! Nagrespond na din ako. Nawala naman yung pagkakakunot ko. Humiwalay siya sa halik pero yung kamay niya na sa kwelyo ko pa din.
"Sabihin mo sakin pag badtrip ka! Ganyan lang gagawin ko sayo! Kakainis ka! Iinom ka pa! Andito naman ako. Tapos kalimutan mo na nga yung ginawa ni jeb. Ako thankful ako sa ginawa niya kasi nalaman ko yung totoong mahal ko! At ikaw yun jack! Ano okay ka na ba?" Sabi niya sakin. Napangiti naman ako.
"I love you babe." Sabi ko tapos hinalikan ko na siya. Nagrespond naman siya. Humiwalay na ako at bumalik na kami sa mga room namin. Baka malate siya eh. 12:30 na.
Andito lang ako sa room. Nakikinig naman ako kahit papano.
"Answer page 97." Sabi ni sir nung pagtapos niya magdiscuss.
Sumagot ako. Madali lang naman eh. Past, Present and future tense lang. Ganun lang.
Natapos din ako agad magsagot at nagisip lang. Wala naman akong kadaldalan kasi wala si gelle. Hayzt. Matext na nga lang yun.
Me : Oy bestfriend! Miss na kita. Kelan ka babalik?
After 15 minutes.
Gelle : Next week pa. Alam mo na. Bonding daw sabi ni dad.
Grave tagal niya magreply ah.
Me : Haha. Sige. Ikumusta mo na lang ako kay tito. Nga pala. Enjoy ka jan. wag na magreply :))
BINABASA MO ANG
Your my one and only
RomanceGXG or GIRLxGIRL. Para sa mga bi na katulad ko 😉 MABUHAY 😂