Chapter 8

662 10 0
                                    

Jack Pov.

Umalis na nga kami ni Trace dun at nagpunta sa room namin.

Andun pa din si Aj. At sa upuan ko pa umupo!

"Tabi-tabi po. Nakakaupo na ako. At malapit na magbell." Parinig ko kay Aj.

"Ah sige, Alis na ako gelle. Sayo din Jack. Bye" tumango lang naman ako. Nginitian lang naman siya ni gelle.

Tong bestfriend kong to! Halatang fake na ngumiti! Jusko! Alam ko naman kung sinong gusto neto. Bakit kasi kataas ng pride ng dalawa -_- eh mahal naman nila yung isat isa

"Go-good morning gelle." Sabi ni trace na nauutal. Konti pa lang naman ang tao dito sa room. Late palagi yung mga yun eh.

"Ah. GoodMorning din tra-trace."

Inakbayan ko si gelle.

"Oy baby. Wag kang magsinungaling sakin ah. Alam kong wala kang gusto sa Aj na yun. Kaya tantanan mo na. Naalibadbaran ako sakanya." Sabi ko sakanya na medyo iritado. Umupo si Trace sa harap namin. Ako umupo na sa upuan ko

"Oo di ko siya gusto sa NGAYON! Pero madali lang naman siyang mahalin eh. Matalino. Gwapo din naman. At higit sa lahat HINDI TIMER!" Parinig niya kay trace. Kalokohan ng dalawang to. Oo malandi tong trace na to pero simula nga nung naging sila ni bestfriend nagbago na.

"Hay! Bahala nga kayo jan. magusap kayo ah. Wag puro init ng ulo. Labas lang ako" sabi ko at lumabas na ng room nila

Trace POV

Tarantado talaga yung jack na yun oh. Hayzt! Nakakainis yung Aj na yun kanina. Nakalagay pa sa bewang ni Gelle yung kamay niya! Gustong gusto ko siyang patayin! Tapos tong si Gelle naman parang gusto niya pa! Tapos sabi pa niya madali lang daw mahalin yun! Pwe! Gagawa ako ng paraan para mapasakin ka ulit! Sakin ka lang. Nakakainis.

"Oh bat andito ka pa ah!?" Tsh. Sunget talaga. Kaya nagustuhan ko to eh. Masungit pero pag nakilala mong mabuti malambing din naman kahit papaano.

"Hoy! Di ka ba sasagot ah. Dun ka na nga sa mga babae mo." Hay nakoo!

"Wala akong Mga babae. Kasi isa lang siya. Pero i think di ko na siya babae ngayon. I hate myself, Lalo na nung naisip kong mangbabae kahit alam kong sapat na siya sakin" napayuko ako. Nasa bar kasi ako nung mga panahon na yun kasi nagaway kami.

Nagpapalamig lang ako. Ang kaso may lumapit sakin na babae at hinalikan ako bigla tapos nung pinakawalan nung babae yung labi ko nakita ko si Gelle na tumulo ang luha kaso tumakbo na din agad. Syempre sinundan ko siya. Mahal ko yun eh ang kaso ang worst nung naabutan ko siya sinampal niya ako at sinabeng break na kami. Ansakit. Yung feeling na di mo naman ginusto na makipaghalikan pero ng dahil dun nawala sayo ang taong mahal mo!

"Kung sapat na siya bakitt ka pa nambabae! Magisip ka nga." Sabi niya na galit. I know mali ko to pero di niya naman ako pinagexplain eh.

Hinila ko na lang siya palabas.

"Ano ba! Saan mo ba ako dadalhin.!" Sabi niya na pinapalo yung braso ko. Shet!

Bigla ko siyang binuhat yung parang sako. Kaya napatili siya. Marami ng tumitingin samin. Dito na kami sa hallway eh. Nung pagkadating ko sa parking lot pinasok ko siya sa passenger seat.

"Hoy! Gago! Ano ba! Bat mo ko dinala dito!" Di ko siya pinansin at nagdrive lang ako.

"Hoy! Sumagot ka nga! Kanina pa kita kinakausap ah!" Sabi niya. Nakakabanas na. Pero mas gusto ko pang bulyawan niya ako araw araw kesa naman wala siya sa buhay ko! Hayzt.

"Pwede ba. Tumahimik ka."

"Wala kang pakielam! Mabingi ka sa ingay! Sagutin mo ko! Saan tayo pupunta!"

Your my one and onlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon