Carry POV
Di ko inaasahan na sila yung magtuturo. Alam kong di niya pa ako nakikita nung una dahil natutulog siya pero nung tinanung na ako ni ate trace ay alam kong alam niyang dito na ako nagaaral kahit di niya ako tinignan.
Nung lumabas sila ay parang nakahinga ako ng maluwag pero pagbalik niya tapos may tinulungan pa siya ay parang ang sakit ng puso ko. Di naman masama tumulong pero bat niya pa kailangan buhatin yung BABAE! Di naman lumpo yun! May gasgas nga lang eh!
"Hoy! Haha. Day dreaming gurl? Sino naman yan ah? Yung mahal mo ha? Ano nga ba nangyare sainyo nun?" Panira talaga tong si jess. Kasi nga kwinento ko sa room na kaya ako nahilig sa pagpicture ay nung nawala siya
Andito nga pala kami sa canteen. At hanggang ngayon ay nasa isip ko pa din si jack. *kailan ba siya nawala sa isip mo* ANG EPAL EH!
At dahil may sumingit sa pagda-daydream ko na patayin yung babaeng mukhang susu yung pagkain ko na lang ang papatayin ko! Gutom na din pala ako.
Pagkatapos namin kumain ay sa garden muna kami tumambay. Dalawa lang kami ni jess.
Habang nakaupo ako sa damuhan ay may nakita ako na paru-paru. Ang ganda ng angle niya dito kaya kinuhanan ko ng picture. Ang cuteee.
Pabalik na kami sa room namin ng mapadaan kami sa bulletin board ng school. May try-out daw ng games tomo. Mag basketball kaya ulit ako? Sayang din yun.
At dahil free day ko bukas ay napagpasyahan ko na sasali ako.
At dahil sobrang lawak ng hallway namin ay napadaan na naman kami sa music room. Pinagkakaguluhan nga yung music room eh. Tsh. Ano? May artista lang ang peg? I mean singer pala :D
At dahil tsismo si jess ay talagang tinignan niya. Nakipagsiksikan pa siya para makita lang.
Umupo na lang muna ako sa bench at nagtingin-tingin ng alien sa paligid. Tao pala. Hihi.
Bumalik na si jess at pulang pula ang lola niyo. Alam kong mainit sa bansa natin pero bat para na siyang kamatis ngayon? Weird!
Pumasok na kami sa room at nagdiscuss ang aming butihing guro. *makata ka na gurl! Achievement* Epal na naman to.
Natapos na din ang 2hours na pagsasalita ng teacher namin.
Lumabas ako agad. Pasakay na ako ng kotse ko ng makita ko si jack at ang kabanda niya. Naestatwa na naman ako. Alam kong sobrang gwapo nung si teddy at lalo na si Craig pero bakit parang si jack ang pinakagwapo at pinakaastig sa paningin ko kahit ang haba ng buhok niya at walang ka expre-expression. Hayst!
Nakaalis na sila pero nakatayo pa din ako. Nabalik lang ako sa ulirat nung may sumampal sakin pero mahina lang.
"Day dreaming na naman eh. Baka mamaya mabalitaan ko na lang na nasa hospital ka na ng dahil sa pagda-day dreaming." Sabi ni jess.
"OA mo! :D So saan ka ngayon? Di ka pa uuwi?" Tanung ko sakanya.
"Kailangan ko pa magpractice gurl eh" sabi niya naman. At dahil ako ang dakilang curiouse ay nagtanung ako.
"Anong ipra-practice mo? Pang gayuma?" Pero ngayon ko lang na realize na ang corny ko dahil nakapoker face na siya "okay okay. Easy. Joke lang. So ano nga?" Maka glare naman kasi siya sakin.
"Di ba nga may try-outs ng mga games. Magtra-try out ako ng WBB (Womens BasketBall)"
"Magtra-tryout ka din? Pero bat ka pa magpra-practice?" Tanung ko sakanya.
"Gurl! Maraming sasali dun kaya kailangan kong magpaimpress. Kailangan kong makuha. Btw. Sasali ka ba?" Tanung niya naman.
"Oo. So pwede akong makisali sa prac mo?" Tumango naman siya.
BINABASA MO ANG
Your my one and only
RomanceGXG or GIRLxGIRL. Para sa mga bi na katulad ko 😉 MABUHAY 😂