Jack Pov
Grave. Pwede na ulit akong manligaw sakanya. Tapos may date pa kami mamayang 7:30! Woooo!
Pagdating ko sa bahay bakit andito to?
"Hiii Jackkkk! :)" Si Aiko. Pinsan ko.
"Oh. Sino kasama mo pumunta dito?"
"Si Justine at tyaka si Patrick." Sabi niya sakin. Pinsan ko sila. Kababatang kapatid ni Aiko si Justine. Tapos si Patrick pinsan namin.
"Ow. Saan sila? Namiss ko yung mga yon eh." Sabay hanap sakanila.
"Sila lang miss mo? Ako ay? Nasa kwarto yata."
"Haha. Syempre namiss din kita. Ikaw pa. Puntahan natin sila. Ilang araw ba kayo dito?"
"3Days lang. Nabalitaan din kasi namin na nandito si Kuya Brent." Tumango na lang ako. Umakbay ako sakanya. Medyo mas matangkad ako sakanya ng konti.
Nagpunta kami sa Kwarto nila. May sarili silang kwarto dito. Dati kasi palagi sila dito. Tambay.
"Andito ka na pala. Tara laro tayo?" Tawag agad ni Just! Haha. Kulit pa din eh. So nakipaglaro ako sakanila. Nasarapan maglaro kaya ngayon ko lang naalala may date ako. 6:30 na!
Nagmadali akong pumunta sa kwarto at naligo na. Pero paglabas ko nakabathrobe lang ako kaya nabigla ako kasi nandun si Aiko.
"Hey. Labas ka muna. Magbibihis ako eh" sabi ko ng aligaga kasi di ko alam kung ano isusuot ko. 7:00 na!
"May date ka no?" Tumango ako.
"Sino naman?" Maarteng saad niya.
"Labas ka na. Baka malate ako."
"Hmp." Sabay labas niya.
Binilisan ko yung pagbibihis ko. 7:10 na! Magdri-drive pa ako! Nagpabango ako at nagsuklay agad. Winanside ko lang yung buhok ko.
Nakablack jeans ako. nike. At tyaka nakadamit na may print color black with denim jacket
Kinuha ko kaagad yung susi nung walang bubong kong kotse. Color red siya. Tama lang yun para makakita ng view. Sumakay ako. At dumaan sa flower shop. Nagpagawa ako ng bouquet.
Pumunta ako sa bahay nila. Pinapasok naman ako. Kilala na ako ng guard eh. Umupo ako sa sofa. 7:26 na. Haha. Buti umabot. Napatingin na lang ako sa hagdan nung may madinig akong yabag ng HEELS?
"GoodEvening Sunget." Sabi ko Nung pagbaba niya at binigay yung Binili ko na red rose.
"Thank's Panget." Ganda niya ngayon. Maganda siya palagi pero mas gumanda siya ngayon
Lumabas na kami.
"Bago kotse mo?" Ngayon ko lang kasi nilabas to.
"Nope. Hehe. Matagal na yan. Di ko lang ginagamit" sabay open ko ng door niya. Pumunta na din ako sa driver seat.
"Di ko alam kung saan kita dadalhin ngayon kasi ang ganda mo. Nakakahiya yata akong kasama mo ah." Sabi ko. Panu naman. Para lang ata akong chaperon neto.
"Di no. Kain na muna tayo? Gutom na ako eh."
"Sige." Sabi ko. Wala naman Romantic place dito eh. Province to diba -.- San kaya magandang kumain?
Nagdrive lang ako ng nagdrive. Di naman siya nagsalita kasi tumitingin sa view.
Nakahanap na ako ng isang restaurant. Ganda ng Ambiance. Wala din masyadong tao. Mahal siguro.
Pagpasok namin may mga waiter na nagguide kung saan uupo.
Sa veranda kami nagpunta kasi ang ganda ng view. Nagorder na lang kami ng nakakabusog sa menu nila.
BINABASA MO ANG
Your my one and only
RomanceGXG or GIRLxGIRL. Para sa mga bi na katulad ko 😉 MABUHAY 😂