Chapter 18

610 11 0
                                    

Carry Pov

Pagbaba namin naabutan namin yung barkada niya na nagaalmusal pero halatang may hangover pa kasi ang laki ng eye bags tapos bagsak yung nga balikat.

Umupo na kami ni jack at binigyan niya ako ng makakain. Nginitian ko naman siya.

Pagtapos namin kumain nanuod lang kami. Buti nga walang pasok tuwing wednesday eh. Kundi absent kami.

Nanunuod kami pero parang di nanunuod sila ate gelle at trace. Ka sweet nila :). Si jack naman wala -_-. busy kasi manuod eh. parang wala ako dito. Kainis. Nakakainggit kaya sila ate gelle. Hmp.

"Babe." Tawag niya sakin pero di siya nakatingin. Wow lang. Ako ba kausap mo! Bahala ka dyan.

Di ko siya pinansin.

"Oy babe. Pansinin mo naman ako" di ko pa din siya kinikibo. Kunyare nanunuod ako.

"Babe naman eh." Tapos naramdaman ko na lang hinahalikan niya yung balikat ko kaya napatingin ako.

"Bakit ba?!" Bulong ko na pasigaw. Haha. Magulo ba?

"Galit ka ba babe? Bat di mo ko pinapansin?" Sabi niya ng nakapout. Ang kyuuut! Pano pa ako mag-gagalit galitan niyan?

"Wala. Manuod ka na lang dyan. tsh!"

"Yiee. Yung babe ko nagpapalambing." Kiniss niya na naman yung balikat ko hanggang tenga ko kaya yung kunot kong noo kanina parang nawala. Shiz! Wag kang papadala. Nagcross arms ako at tinaasan siya ng kilay.

Tumayo ako sa sofa kaya nasubsub si jack dun sa sofa. Natatawa ako pero pinipigilan ko lang. Napatingin yung barkada niya sakin.

"Ah. Ano po. Sa garden lang ako. Magpapahangin lang" tumango yung iba kaya pumunta na ako sa garden nila or should i say sa pool nila. Nilublub ko yung paa ko dun.

*Ringggg*. *Ringggg*

Habang nakalublub yung paa ko bigla na lang tumunog yung cellphone ko.

"Hello?"

"Ikaw. Bat di ka umuwi kagabi?" Si ate pala.

"Parang di mo naman alam na birthday ng aking mahal na girlfriend! Haha." Ganyan ako sa kanya. Walang ate. Ayaw niya din naman kasi di naman daw nalalayo yung agwat namin -_- Feeling teenager si ate eh.

"Nga pala. Ikaw miss na kita. Nagkikita nga tayo araw araw kaso di na tayo nakakapagshopping. Di na tayo nakakapagdate ngayon" sabi niya na halata mong gusto magpalibre ngayon. Madaya yan eh. Ako bibili ko siya ng dress tapos ako bibili niya ng ice cream. Wise.

"Date date ka jan. hahaha. Sige. Sa friday." Sabi ko sakanya ng natawa. Medyo may mga naipon na ako eh.

"Yieee. Haha. Bait naman ng baby ko. Loveyou. Promise yan ah." Sabi niya pa. Kulit. Ganyan kasi maglambing yang si ate.

"Oo na. Love you too. Haha. Sa friday ang date natin. Sige pasok na ako sa loob ah. Bye. Muah" tapos pinatayan ko na siya.

Patayo na ako ng nakita ko si Jack na nasalikod ko pala. Shit! Baka kung ano isipin neto.

Jack Pov

Shiz! Napako ako sa kinatatayuan ko. May ka date siya? Tapos nag iloveyouhan pa sila. Ano yun? Niloloko niya ba ako?

Nung nakita niya ako parang dun lang ako ulit nabalik sa katinuan ko. Tumakbo ako at pumunta sa kwarto. Humiga ako. Kailangan ko makapagisip. Wala naman akong nakikita na kasama niya palagi sa school.

Narinig ko na biglang bumukas yung pintuan. Ang tanga ko talaga. Di ko pala nalock. Di ako humarap sakanya. Alam ko na siya yun.

"Babe." Tawag niya. Kailangan ko siguro yung paliwanag niya. Baka nagcoconclude lang ako.

Your my one and onlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon