Sinking
I heard him chuckled kaya mabilis lumuwag ang yakap ko sa kanya at lumayo but he held my wrist kaya hindi na ako gaanong nakalayo sa kanya.
Nagkatinginan kami.
"Paano mo nalaman na...nandito ako?" Tanong ko.
Sumandal siya sa bench at nilaro ang mga daliri kong hawak niya. Bumaba ang tingin ko dun habang ramdam na ramdam ko ang kiliting dumadaloy sa aking sistema habang hinahaplos niya ang bawat hibla ng aking daliri.
"Tinanong ko yung isa mong kaklase at sinabi niyang um-absent ka. Hinulaan ko lang kung saan ka pupunta. Dalawang lugar lang naman ang alam eh bukod sa bahay niyo," he smiled playfully.
Hindi mapigilan ng puso ko ang tumibok ng mabilis para sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
Ngayon hindi ko na maitatanggi ang nararamdaman ko para sa kanya. Nakakatakot mang-isipin pero...unti-unti akong nahulog sa isang kumunoy na patuloy na nahuhulog sa kailaliman.
"M-Matalino ka naman pala kahit papaano," I tried to be harsh because that's what I'm good at. Natawa siya sa sinabi ko at mas lalo akong hinigit papalapit sa kanya. Napatingin ako sa malalalim niyang mga mata.
"Nag-away na naman ba kayo ng daddy mo?" He asked, concerned. Nag-iwas ako ng tingin.
Naalala ko ang pagtawag sa kanya ni Patricia kagabi. Gusto kong magtanong pero ayaw lumabas ng mga salita sa dila ko. Mukha kasing...malapit siya kay Patricia the way how that girl called him.
"As usual," I answered him. Dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa kanyang hawak at nag-iwas ng tingin sa kanya. Sumandal ako sa inuupuan namin at bumuntong hininga.
"Kung hindi ka na masaya...bakit hindi pa kayo umalis?" Tanong niya.
"My mom told me to just keep it and endure everything. She wants me to live with dad because dad can give everything I wanted," I said.
Nanahimik siya. Kaya ko naman talaga ang lahat eh. Kung hindi lang sana dinagdagan ni daddy ng isa pang kasalanan hindi sana ako ganito kagalit.
"At isa pa...kung aalis kami ni mommy sa puder ni daddy...hinding hindi na ako babalik. Hindi rin ako magpapakita pa ulit," I said firmly.
Nakita ko ang pagbaling niya sa akin. Ramdam ko ang pagtataka at pagtutol niya doon kaya lumingon ako sa kanya. His lips are apart like he wants to tell something. Pero tinabunan niyan iyon ng tawa.
"Walang lugar na ganoon. Impossibleng walang makakita sa inyo," he said and looked at me. Nagtaas ako ng kilay.
"You have to remember that it's hard to find someone who doesn't want to be seen," I said looking straight through his eyes and I don't know if I'm just imagining or what but I saw pain on his eyes. I blinked and in just a snap it went gone.
Bumuntong hininga siya at natawa sabay hawak muli sa aking kamay.
"Why are we talking this serious? We should have fun Jez!" His voice lit up.
I sighed and erased all the thoughts that kept bombarding my mind.
"Then let's have fun," I said, smiling. He nodded and hold my hand while pulling me towards his car.
I stared at our hands entertwined as my heart keep pounding my chest so hard. I bit my lower lip.
What did you do to me Edward? You should remain my enemy...you should remain the person I should stay away but my heart is keep beating for you.
I held his hand tighter I know he felt that that's why he glanced at me. He raised his brows at me and smirked like he's thinking malisciously.
"Chansing!" He teased but I just rolled my eyes and pulled him towards his car.
BINABASA MO ANG
Broken Days (SUAREZ SERIES #3)
RomanceMaria Jezebel Nicio only wants one thing. And it is to escape from her father along with her mother. She focused in that mindset until a man shattered it all. Ang kanyang batong puso ay unti-unting nabubuksan. His eyes makes her forget her pain, his...