Kabanata 40

87 3 0
                                    

Water


Sa lahat ng café na pwede kong puntahan bakit dito pa? Ganito ba kaliit ang Lucena para laging magtagpo ang landas namin ng ganito? Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Kasabay din nito ang panlalamig ng mga kamay ko. Pakiramdam ko ay anumang oras ngayon ay mawawalan na ako ng hininga.

Kitang kita ko ang gulat sa kanilang mga mata nang makita ako roon. Hindi 'yon pansin ni Miss Menely dahil kausap na niya ngayon si Isaiah.

"Saktong sakto ang dating niyo! Dito mag bebreakfast si Jez! Yung secretary ni Eina?" excited na sinabi ni Miss Menely. Hindi ako makatingin at pinanatili na lang ang aking mga mata sa pagkain na nasa mesa ko. Sobrang kinakabahan na ako at gusto ko na lang umalis ngayon. Gusto ko na lang tumakbo paalis at 'wag ng bumalik. Damn! I would take note of this! Hinding hindi na ako babalik sa café na ito!

"Yes...we know her, Ley." Narinig kong sinabi ni Jeminah. Napalunok ako ng mariin. I know Jeminah. Marahil ay mas lalong galit na galit siya sa akin ngayon dahil sa ginawa ko sa kuya niya.

"Sabay-sabay na tayo sa iisang table? Dito na kayo umupo sa amin ni Jez!" anyaya ni Menely na dapat ay hindi niya na lang ginawa. Akala ko ay tatanggi sila dahil sa presence ko pero nagulat ako ng si Jeminah pa ang unang umupo. Nanlamig ang sikmura ko at buong kalamnan ko. Damn it!

"Hi Jez! Siguro naman kilala mo pa ako?" pagkausap sa akin ni architect Red. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Ilang beses din kami noong nagkita sa firm ng mga Zurbano.

"Yeah...I still remember you," I said. Umupo na ang lahat sa iisang table. Maingay na si Menely sa tabi ni Isaiah habang may sariling usapan si Red at Jeminah kasama si Jonas at Isacar. Kami lang talaga ni Edward ang tahimik and it feels so awkward.

"Nagpadala ng mga pictures sa akin si Eina! Ang sweet nung dalawa sa honeymoon!" Menely giggled in happiness while browsing in her laptop and sliding Eina and Perfi's pictures in their honeymoon. Lahat sila ay nakiusyuso roon habang ako ay binibilisan na ang pagkain dahil kung magtatagal pa ako dito ay baka mawalan na ako ng hininga dahil sa sobrang bigat ng dibdib ko. Nahihiya ako.

Ang laki ng kasalanan ko noon kay Edward dahil sa pagdamay sa kanila sa gulo ko pero heto ako ngayon at nakikisabay pa magbreakfast sa kanila. Siguro ay nakikisama lang sila sa akin ngayon dahil kay Menely na marahil ay walang alam sa nangyari noon. Pero alam kong ayaw nila ako rito. Kailangan ko ng umalis.

"Sigurado akong makakabuo agad si Perfi!" halakhak ni Jonas na sinundan naman ni Isacar, "Baka naman hindi na pinagpapahinga ni Perfi si Eina?" nagtawanan si Isacar at Jonas. Ayaw kong mag-angat ng tingin dahil katapat ko ngayon sa aking kinauupuan si Edward.

"Ang bastos niyo talaga! Syempre susulitin yun ni Perfi!" dagdag ni Menely na akala ko'y susuwayin ang dalawa yun pala ay makikisabay pa.

"Sana all na lang talaga!" malakas na sinabi ni Isacar at bumuntong hininga.

"Why don't you marry your ass off? 'Wag mong sabihin na tinanggihan ka ni Red?" nangilabot ako sa narinig na boses galing kay Edward. Shit!

"Sinong hindi tatanggi eh mukhang unggoy naman yan si Isacar?" pang-aasar ni Jeminah sa pinsan.

"Bwisit kayo ha! Hinding hindi ko kayo iimbitahan sa kasal ko!" singhal ni Isacar at tumawa naman ang lahat maliban sa akin na hindi makuhang makisabay sa kasiyahan nila.

"We'll gate crash then?" suhestyon ni Jeminah at lahat ay nagsitawanan na naman. Lumunok ako ng mariin at napansing patapos na ako sa pagkain. Sumisimsim na ako sa aking juice nang bumaling sa akin si Menely at ngumiti.

"Ikaw Jez? Kasing edad ka ni Red 'di ba? May boyfriend ka ba? Or fiancee?" tanong sa akin ni Menely na naging dahilan ng pag-ubo ko at pagkatapon ng kaunting juice sa damit ko! Shit!

Broken Days (SUAREZ SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon