Plans
Dapat akong magsaya dahil alam kong kahit nagkasakitan kami sa pisikal ni Patricia ay alam kong natalo ko siya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit sobrang bigat ng dibdib ko. Lalo na sa tuwing naiisip ko na ngayon ay yakap yakap ni Patricia si Edward.
Hindi ko alam kung bakit...naiinis ako. Nagagalit ako. Nag-iinit ang ulo ko sa napakaraming bagay. Pakiramdam ko ay hindi lang ang tungkol kay daddy kung bakit ako nagagalit ngayon. May isa pang dahilan. At ang dahilan na yun ay hindi ko na dapat pagbigyang pansin pero pilit itong nanunuot sa aking puso.
Mabigat ang paa kong pumasok sa room. Nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin ngunit wala na akong pakielam. Kinuha ko ang aking bag at walang lingon lingong naglakad paalis. I am going home.
Going to school is a hell for me. Akala ko ay ang pag-alis sa Maynila ang tatapos sa mga problema ko. Para mailayo ko si mommy kay daddy hindi ko inaasahan na mas lalong gugulo ang lahat.
Nasa labas na ako ng gate at nag-iintay ng tricycle ng may biglang humawak sa aking pulso. Nang lingunin ko ito'y mas lalong bumigat ang aking dibdib ng makita si Edward na malalim ang hinga na para bang kanina pa ako hinahabol.
Mabilis kong inalis ang pulso ko sa kanya at pilit pinakalma ang sarili.
"Why are you here? Where's Patricia? Is she calm now?" Mahinahon kong tanong kahit pa nagwawala na ang buong sistema ko.
"You had a fight with her? Are you hurt? Jez why did you-"
"Why did I fight with her?" Pagtatapos ko sa tanong niya.
"Bakit? Ipagtatanggol mo ba siya? Are you on her side because she is related to your cousin?" My questions is full of bitterness. I can't help it.
"No! What I was saying is...hindi mo na dapat pinapatulan ang mga ganung bagay! Paano kung mapahamak ka-"
"Teka Edward..." I chuckled without humor. I step backward and looked at him with my blank expression.
"Are you worried?" I asked almost spitting it out.
"Damn it Jezebel of course I am!" He said almost frustrated. I gritted my teeth.
"Bakit ka nag-aalala when you just kissed someone else and make out with other girls. Don't you dare tell me that you're worried when you've been a liar all this time!" I spat.
Halos hiningal ako sa mga salitang yun. Nanahimik siya at nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Wala na akong pakielam sa mga posibleng makakita sa amin ditong nagtatalo. I just want to release this kind of anger. Kung hindi ko ito papalabasin baka hindi ko na kayanin pa.
"What? Where the hell did you hear that?!" His voice thundered. Ang kanyang tisoy na mukha ay ngayon ay namumula na.
"Patricia," I answered with my cold voice. I was about to turn my back on him when he pulled me towards his car! Damn it!
"Stop pulling me Edward!" Halos sumigaw na ako para alisin niya ang kamay siya sa akin pero hindi siya nakikinig. I almost shouted when she lift me up on his shoulder! Pinaghahampas ko ang kanyang likod dahil sa kanyang ginawa.
"Goddamn it Edward! Put me down!" I shouted in anger.
"And then you'll walk out? Jezebel you can't leave when you're this mad!" He said and open the door of his car. Sinalampak niya ako sa passenger seat at mabilis na ni-lock ang seatbelt!
I tried unlocking it but I can't!
Halos murahin ko siya ng makapasok na siya ng driver seat.
"I can consider it kidnapping Edward!" I hissed. He started the engine of his car.
"Pag-uusapan natin ang mga kabulaanang sinabi ni Patricia na pinaniwalaan mo naman!" He accused. My lips parted.
"Because it was all true! You are a womanizer! At bakit pa tayo lalayo sa pag-uusap? We can talk out there-"
"At aalis ka at iiwanan mo ako? Hindi ka pwedeng umiwas sa akin Jez," mariin niyang sinabi.
Halos hingalin ako sa aming pagtatalo. Hanggang sa tumigil ang sasakyan sa parking lot ng Perez Park. He stopped the engine and faced me but I remained my eyes in front.
"Whatever Patricia told you none of them is true," he said. I gritted my teeth. Medyo kumalma na ako kanina but hearing him uttering Patricia's name made me irritated.
"I don't believe you," I said coldly and crossed my arms.
"You never trust me don't you?" Natigilan ako sa kanyang tanong. I bit my lower lip because I can hear his frustration. Edward...is frustrated over this. Totoo nga kaya? Totoo nga kaya na pwede siyang magbago dahil sa akin?
"I always trust you Edward. Hindi ako sasama sayo kung saan saan kung hindi kita pinagkakatiwalaan," malamig kong sinabi.
"Then why don't you trust me on this?" Halos may pagsusumamo na ang kanyang boses. Bumaling ako sa kanya at nakita ko ang kanyang mga mata na para bang humihingi ng puwang na paniwalaan ko siya.
"Hindi lang yan ang dahilan Edward," I said and looked away.
"Kaya ba...hindi mo ako kayang papasukin sa buhay mo?" He asked.
Mali. He already inside of my life, my heart pero ang nagpipigil sa akin na mas lalong mahulog sa kanya ay ang mga problema ko sa buhay.
"Just go back with your cousin Edward or you can comfort Patricia if you want. I wanna go home," I said coldly.
"No...tell me anong dahilan kung bakit...pilit mong nilalayo ang sarili mo sa 'kin?" He asked desperately. My heart boomed. I don't want to tell him my plans. Ayaw kong...madamay siya. Ayaw kong...masangkot pa siya at kung maaari ay sana'y umiwas na lang siya.
"Hindi mo na kailangang malaman Edward," I said.
"I've never imagine that you will be this difficult," parang may kumurot na kung ano sa aking puso sa sinabi niya.
"You can leave me alone if you're having a hard time Edward. Walang pumipilit sayo," mariin kong sinabi.
"Pero hindi ko kayang lumayo sayo kahit nahihirapan ako," he said that made my heart ache more. Namuo ang luha sa tabi ng aking mga mata pero pilit ko itong pinigilan sa pagpatak.
"Hindi mo ba ako pwedeng...isama sa mga plano mo?" I can feel his hopeful voice. Pumikit ako ng mariin.
"Since I met you...you've been always included in my plans, Jez," his voice became husky. I bit my lips and tried so hard to keep my tears. Parang may kung anong bumabara sa aking dibdib at lalamunan dahil sa mga salitang lumalabas sa kaniyang mga labi.
"Hindi mo ako maiintindihan Edward. You grew up in a fine and complete family, you will never understand me!" Nanginig ang boses ko. Hinawakan niya ang aking kamay. Napatingin ako sa kanya.
"Then make me understand," he whispered. Ang kanyang mga salita ay parang saliw ng musika na umaakit sa akin na paniwalaan siya.
"I have this plan about ruining my father in front of media. I have this plan about mentioning Patricia's mother being my father's mistress. I am ambitious Edward. Wala akong pakielam kung may masirang buhay sa gagawin ko. Sabihin mo sa akin ngayon kung...kaya mo pang intindihin ang ugali ko,"
BINABASA MO ANG
Broken Days (SUAREZ SERIES #3)
RomanceMaria Jezebel Nicio only wants one thing. And it is to escape from her father along with her mother. She focused in that mindset until a man shattered it all. Ang kanyang batong puso ay unti-unting nabubuksan. His eyes makes her forget her pain, his...