Kabanata 36

62 1 0
                                    

Tadhana


Sa murang edad marami akong nasaksihan na sobrang nagpapasakit ng aking damdamin. Marami akong napagdaanan na halos nabibilang sa aking daliri na ako'y naging masaya. That's why I treasured those moments. Kabilang na do'n 'yong paglalaro namin ni daddy sa park at ang pagtuturo sa akin ni mommy na mag bake. At sa huli ang alaala ko habang kasama ko ang unang lalaking nakapasok sa puso ko.

He stayed even though I am difficult. He stayed even though I keep pushing him away. He stayed even though I am broken. He stayed in my most difficult time. Pero...sa huli ay muli ko siyang sinaktan. Iniwanan ko siya kahit ito ang pinaka ayaw niya. Iniwanan ko siya at muling sinaktan. He really doesn't deserve me. Dinungisan ko lang ang pangalan niya. Malamang ay galit na sa akin ngayon ang mga Suarez. Marahil ay galit sila sa akin sa paghila kay Edward sa gano'ng sitwasyon.

"Ladies and gentlemen, welcome onboard Flight 4B7. We are currently third in line for take-off and are expected to be in the air in approximately seven minutes time. We ask that you please fasten your seatbelts at this time and secure all baggage underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your seats and table trays are in the upright position for take-off. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cell phones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing Philippine Airlines. Enjoy your flight."

Nang marinig 'yon ay pinatay ko ang aking phone at pinikit ang mata habang pinipilit kalimutan ang mga maaari kong maiwan sa Pilipinas. Ito ang hiningi ko kay daddy nang pumayag akong maging tagapagmana ni niya. Nangako si daddy na hindi niya ako pakikielaman habang nasa U.S ako. Hahayaan niya ako ngunit sa oras na kakailanganin niya ako ay hindi ako pwedeng tumanggi.

Inurong ni daddy ang demanda sa mga Suarez at ang huli kong narinig sa kanila ay ang pakikipag-usap daw ni Don Alejandro Suarez kay daddy. Sa pagkakaalam ko si Don Alejandro Suarez ay isang full-blooded spanish na lolo nina Edward. Sikat daw ito lalo na ng mga kapanahunan nito. Marami daw itong napundar na business ngunit tumigil lang sa pamamahala ng ipasa nito ang kompanya sa panganay na anak na si Governor Danillo Suarez.

Marami pa akong hindi alam sa mga Suarez ngunit isa lang ang alam ko. Hindi ko yata kayang pakiharapan ang kahit na sino man sa kanila. Hindi ko rin alam kung kaya ko pang pakiharapan si Edward kung dadating ang panahon na maghaharap kami. Pero mas pipiliin ko na lang ang umiwas at kalimutan ang lahat.

Bumili ako ng isang unit sa America. 'Yong pinakamura ang binili ko na sapat na sa akin. Nag enrol din ako sa malapit na eskwelahan para mag-aral ng college. Kumuha ako ng isang business course. Pinag-igihan ko ang pag-aaral at itinago sa lahat ang pagkatao ko lalo na ngayong mas lumalago ang hotel chains ni daddy at kahit bumaba na sa pwesto si daddy sa politika ay mabenta pa rin siya sa media.

Alam na rin ng lahat na lumayas si mommy ngunit agad 'yong nawala, marahil ay may binayaran si daddy para mapagtakpan ang balita. Masakit pa rin sa akin ang katotohanan na hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kay mommy. I tried to find her. Nagtanong ako kay ate Rosa at kung kani kanino via internet. I also investigated about mom's first love pero wala akong nakuha kahit isang impormasyon.

"Jezebel?" someone called me while I am doing my homework inside the library. Tinitigan ko ang lalaking lumapit sa akin. He's not american. He has this filipino ambiance.

"Yes?" pormal kong tanong. Ngumiti siya sa akin at nakita ko ang pagkailang niya ng tumingin ako sa kanya. Kumunot ang noo ko.

"I am William...the professor told me that you will be my partner in our upcoming thesis," sambit niya. Napaisip ako sa sinabi niya at halos makalimutan na ang tungkol doon! Oo nga pala at malapit na ang aming thesis at kanina ay inannounce na ang mga partner kaso lang ay hindi ko narinig ang partner ko. Buti na lang ay siya na ang unang lumapit.

"Nice to meet you William," ngumiti ako at nakipagkamay sa kanya. Napansin kong titig na titig siya sa akin pero binaliwala ko 'yon at nagsimula na kami sa plano namin sa thesis. He's smart and responsible. Mas seryoso din siya at gentleman. Hindi ko maiwasang maikumpara si Edward sa kanya. Edward is smart but he's always playful all the time. Napailing ako sa iniisip at kahit ilang taon na ang nagdaan siya pa rin talaga ang iniisip ko.

Masasabi kong si William ang pinaka naging close ko sa college life ngunit ramdam ko pa rin ang ilang niya sa akin. Sa huli ay nalaman ko rin ang dahilan.

"I like you Jezebel and I don't want to keep it to myself. I want to be honest with you," pranka niyang sinabi matapos niya akong ihatid sa aking condo pagkatapos ng graduation ball. I graduated in latin honors, William as well. Dad visited me in my graduation but he also left early because of the business. Ngayon ay kasama ko si William at sinasabi ang lahat ng ito.

Mabait si William. Sa totoo lang kung una ko siguro ko siyang nakilala ay magugutuhan ko siya. Pero hangga't maaari ay ayaw kong magpaasa at ayaw kong magmahal ng iba bukod sa lalaking Suarez. I promised that to myself at mukhang hindi na rin ako magmamahal ng iba bukod sa kanya. I devoted myself to him pero...kung makikita ko man siya ulit...iiwasan ko siya at hinding hindi ko hahayaang magtagpong muli ang aming landas.

"I'm sorry, William..." seryoso kong sinabi. Nakita ko ang pagkadismaya niya.

"Do you...like someone else?" tanong niya.

"No..." I said. Kumunot ang noo niya.

"Then why can't you accept me?" he asked.

"Because I love someone else...William," I said with full honesty. Hindi na siya nakapagsalita at iniwanan ko na siya roon. Akala ko ay iiwasan ako ni William pagkatapos noon pero nagulat ako nang maging casual sa sunod na araw ng maghahanap na kami ng trabaho.

"You're not mad at me?" tanong ko. Natigilan siya at natawa sa tanong ko.

"Why would I? It's not wrong to love someone else, Jezebel." Sambit niya. I like how he can make everything light. Ngunit 'yon na rin ang huli kong kita sa kanya at nagpaalam na siyang babalik na siyang Pilipinas para doon magtrabaho at manirahan. Kaya naiwan muli akong mag-isa hanggang sa makilala ko si Mr. Zurbano. Isa siyang mabait na employer. Agad niya akong tinalaga bilang secretary niya sa kanyang construction firm. Naikwento niya sa akin na dati rin silang naninirahan sa isang city sa Quezon province ngunit kinakailangan nilang umalis para ipagamot ang may cancer nilang anak.

Katatapos ko lang sa trabaho at nakahiga na sa aking kama ng makita kong tumatawag si daddy. Kumunot ang noo ko at napabuntong hininga.

"What is it?" I asked.

"I want you to go home, Jez. Take over the company." madalas ito ang naging pagtatalo namin ni daddy sa mga nakalipas na buwan. Gusto niya na akong bumalik sa Pilipinas na mabilis ko namang hinihindian. Ang lagi kong sinasabi ay wala pa ako sa sapat na edad. He was 25 when he managed the company and I am still 23 right now.

"Dad-"

"Tumatanda na ako Jez! Nangako ka sa akin!" nahimigan ko ang galit niya. 

"Nangako ako sa inyo at gagawin ko 'yon pero sa gusto kong panahon at oras dad," mariin kong sinabi at pinagpatayan siya ng tawag. I know that I am being harsh to my father pero hindi ko pa rin kayang kalimutan na siya ang dahilan ng kamiserablehan ng aking buhay noon.

Maraming nagbago sa akin sa mga taon na lumipas. Pakiramdam ko simula nang mawala ang dalawang tao'ng sobra kong minahal sa buhay ko feeling ko nawala na rin ang sigla ko. I am living...but I feel cold. I am living...but I am not happy. Ang dalawang tao na sobra kong minahal, my mom and Edward ay parehas nawala sa akin. And even though I missed them...the only thing I can do is to think of them...dahil kahit kailan ay maaaring hindi ko na sila muling makita.

Pero akala ko...may dalawang taon pa ako bago makauwi ng Pilipinas. Akala ko lang pala 'yon dahil ng sabihin sa akin ni Mr. Zurbano na ililipat niya ako bilang sekretarya ng kanyang anak sa business nitong hardware sa Lucena ay para akong nilubayan ng lamig sa katawan. Dahil sa mismong araw ng pag-uwi ko  at pag-uwi ni Ms. Einalem Zurbano isang aksidente ang nangyari.

Isang truck na pag-aari ng hardware ang bumangga sa isang pharmaceutical na mismong pag-aari ng isang Suarez! 

Ang sabi ko lalayo na ako sa pamilyang ito pero...para bang sinasadya ng tadhana at pinipilit akong ilapit sa kanila.


Broken Days (SUAREZ SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon