Coincidence
Katulad nga ng pinangako ko kay daddy pumayag akong magpainterview sa mga reporters about sa kaniya. I told them how kind my father to me and my mother and how effective he is for being a father.
Dahil dun ay humupa ang issue at nadismaya ang kalaban ni dad sa nangyari kaya naman bumalik ang tiwala ng mga tao kay daddy. At sa ngayon ay nangunguna na siya bilang senator candidate.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto nina mommy at daddy at doon ay nakita ko si mommy na nakaupo sa isang couch at nagbabasa ng isang libro.
This is her hobby. Read some books and she's gonna share it to me like she wants to tell a story.
"Mom," I called her. Nakita ko ang pagbaling niya sa akin. Maayos na ulit ang kwarto nila ni daddy. Parang walang nangyaring gulo noong isang araw dahil sa linis nito ngayon.
"Come here, Jez." She said while smiling. Kung ngumiti siya ay para bang walang problema. Parang wala siyang iniindang sakit kahit alam kong maaaring may mga pasa siya na tinatago niya lang sa 'kin.
Lumapit ako sa kaniya at mabilis niya akong niyakap ng mahigpit. Kahit minsan ay iniisip kong baka may galit sa akin si mommy pero alam kong mahal na mahal niya ako. Hindi niya kailanman pinaramdam sa akin na hindi niya ako mahal.
"I read a new book. Do you want me to tell a story?" She asked sweetly. Ngumiti ako at mas lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya. My mom is very beautiful.
Meron siyang malalalim na mga mata, sa totoo lang mayroong indian eyes si mommy. Yung para bang kahit walang eye liner ay meron na siyang depinang mga mata. Matangos ang kaniyang ilong at may maninipis na labi. Her skin is morena but it made her more beautiful.
Maaaring kamukha ko si mommy lalo na ang kaniyang mga mata pero I don't have thin lips. My lips isn't full neither thin. Kaya minsan ay nasasabihan akong kamukha ni Selena Gomez is just that I am more fairer than her. Mana kay daddy ang aking balat. Na sa sobrang kaputian ay pwede na akong pagkamalang kinulangan sa melanin.
"I always love your story mom," i said smiling. She also smiled and hugged me more.
"It's all about how Mary gave birth to her son Jesus," he started. Napangiti ako sa sinabi niya. Mom is very kind. She loves reading the bible everytime. Wala talaga akong ideya sa religion niya but she seems into bible.
"How did she gave birth?" I asked.
"King Herodes wants to kill Jesus dahil naniniwala siyang ito ang papalit sa kaniya bilang hari ng Jerusalem and he was afraid to be replaced kaya inutusan niya ang kaniyang mga tauhan na patayin lahat ng mga bata na nasa tatlong gulang pababa. Jose was dreaming that night about the angel giving him warning. Kaya naman nagdesisyon si Jose na magtungo sa Nazareth. Dinala niya ang buntis na si Mary sakay ng kamelyo but on their way naramdaman ni Mary na manganganak na siya. Ang tangi lang na nandoon ay isang sabsaban kasama ang mga hayop. Doon niya pinanganak si Jesus,"
Napangiti ako habang nagkekwento si mommy. She looks happy while talking.
"Is Mary happy that time?" I asked.
"Oo naman. Kahit na ganun ay masayang masaya siya na nakita niya sa unang pagkakataon si baby Jesus," she said.
"Were you happy...when you gave birth to me, mommy?" I asked that made her stop. Nakita ko ang pagkakatigil niya. Malungkot akong ngumiti. Alam kong matagal niya ng kinamumuhian si daddy at maaaring sa akin ay ayaw niya rin. Masyado lang siyang mabait at ayaw niya lang akong madamay dahil bata pa ako.
"Of course I'm happy. You're my daughter," she said happily.
"But I'm also my father's daughter, the man you hate the most," I said. She sighed heavily and held my both shoulder to looked at me in the eyes.

BINABASA MO ANG
Broken Days (SUAREZ SERIES #3)
DragosteMaria Jezebel Nicio only wants one thing. And it is to escape from her father along with her mother. She focused in that mindset until a man shattered it all. Ang kanyang batong puso ay unti-unting nabubuksan. His eyes makes her forget her pain, his...