Tears
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong nasa alapaap at nililipad sa hangin. Pakiramdam ko ay nasa gitna kami ng isang lugar kung saan kami lang ang nagkakaintindihan at sa panibagong katotohanang aking nalaman hindi ko alam na mamangha ako ng ganito na hindi ko inaasahan.
Binitawan niya ang aking magkabilang balikat ngunit nakatuon pa rin ang kanyang mga malalim na mga mata sa akin. I swallowed hard as the extreme emotions washed through me. I don't know what to say. I am speechless and unable to speak.
"Napakaliit ng mundo 'di ba? I never thought that we will meet again after so many years," he said. Inalala ko ang mga panahong kasama ko ang batang lalaking 'yon. At hindi ako makapaniwala kung bakit hindi ko napansin ang pagkakahawig nila. Bakit hindi ko kaagad nalaman?
"I-I...didn't expect this..." tuliro kong ani. Natawa siya at nagulat ako ng hawakan niya ang aking kamay. Umawang ang labi ko dahil unti-unti akong tinatakasan ng aking hininga.
"You have to sleep now. It's getting late," he uttered. Nag-iwas ako ng tingin dahil natatakot akong makita niya ang halo halong emosyon sa aking mga mata. Binitawan niya ang aking kamay at hindi ko akalaing malulungkot ako dahil doon.
"W-What...about you? Aren't you going to sleep yet?" Tinitigan ko siya at nakita ko ang kanyang munting ngisi. Na para bang kahit sa simple kong tanong na gano'n ay nakakapagpasaya na sa kanya. And I really can't believe this.
"Matutulog na rin ako..." he assured me while he's stiffling a smile. Tumango ako ng dahan dahan at umatras para umalis na pero hindi ko alam kung bakit nakadikit pa rin sa kanya ang mga mata ko. He made me too overwhelmed today. Sa bawat salita niya ay nararamdaman ko ang sinseridad. Ayaw ko mang mas lalong mahulog ngunit hindi ko magawa.
Dahil kahit anong pigil ko. Kahit anong ayaw ko. Patuloy at patuloy pa rin akong nahuhulog sa tao'ng hindi dapat.
The next morning ay maagap akong nagising. Tiniklop ko nang maayos ang aking hinigaan at nilabhan ang pajama na pinahiram sa akin ni tita Jemmy.
Matapos kong gawin lahat ng 'yon ay lumabas ako ng kwarto. Bumungad sa akin ang tahimik na corridor. Dahan dahan akong naglakad hanggang sa makarating ako sa malawak na hagdan. Kitang kita ko ang kanilang malaking family portrait sa tabi ng hagdan. Tita Jemmy is beautiful as usual. Congressman Garpio is handsome at para bang isang spanish hunk. Si Jonas ay malaki ang ngiti at halatang halata ang maloko niyang ugali, habang si Jemina ay maarte at sopistikada ang pagkakangiti. Bumaling naman ako kay Edward. He wasn't smiling. He is smirking at the camera na para bang pati yung camera man ay kanyang nilalandi. Napailing ako dahil maswerte siya dahil lumaki siya sa buong pamilya.
Dahan dahan akong naglakad pababa ngunit natigilan ako ng makita ko si Jemina na nakatingin sa akin sa baba. Agad akong kinabahan nang makita ko ang nakataas niyang kilay sa akin. Jemina is very beautiful and elegant. Ang kanyang itim na itim ngunit umaalong buhok ay napakakintab at magandang tingnan sa kanyang balikat. Ang kanyang kilay na kasing itim ng kanyang buhok ay perpektong nakaukit sa kanyang mukha. Her eyes are deep and soulful. Para bang palaging paluha ang kanyang mga mata. Malumbay ngunit may kislap sa kanyang mata na hihigop sa buo mong pagkatao. Her nose are pointed katulad ng kanyang mga pinsan at ang kanyang labi ay para bang pana ni kupido. It was perfectly shaped like a bow. Ang kanyang kutis ay parang porselana. Nakakatakot hawakan sa kakinisan at kaputian.
"Are you leaving now? Hindi ka ba muna magpapaalam kay kuya Edu?" Tanong niya habanag naka krus ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib. Napalunok ako.
"M-Magpapaalam naman pero...tulog pa kasi siya..." hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin.
"Mom is in the kitchen. You want to say goodbye to her?" Nagulat ako sa sinabi niya at sa tono niya. She genuinely smiled at me. Napansin niya ang pagkakatigil ko.
"Why? Akala mo ba ay galit ako sayo?" Nagtaas siya ng kilay. Jemina Gabriela grew up with all the love surrounding her kaya hindi ko na ipagtataka ang ugali niya.
"No. I don't hate you personally...but I hate how you ignore ny brother's feelings but after what kuya Edu told me naisip kong may hindi ka sinasabi sa akin,"
Umawang ang labi ko. Napakurap kurap ako.
"S-Sinabi ni Edward sayo?" Gulat kong tanong. Sinabi ba ni Edward na pumunta ako noong gabing yun?
Tss. Napakadaldal.
"Of course! Paanong hindi niya sasabihin? Kilig na kilig ang unggoy na 'yon!" Singhal niya at umirap.
What?
"You also like my brother?" She asked while staring at me. Huminga ako ng malalim. Wala akong planong ipangalandakan ang nararamdaman ko sa kahit kanino.
"Ayaw kong sagutin ang tanong mo," matapang kong sinabi. Nagtaas siya ng kilay.
"Why? Dahil totoo?" She teased. Kumunot ang noo ko.
"Dahil ayaw kong paasahin siya," nagulat siya sa sinabi ko at agad nangunot ang noo.
"What?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Ayaw kong paasahin ang kapatid mo Jemina," mariin kong sinabi.
"But you like him!" Pilit niyang sinabi ang kanyang argumento. Bumuntong hininga ako.
"I don't like him enough to be with him Jemina..." saad ko. Nalaglag ang kanyang panga. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Handa nang harapin ang galit niya. But she didn't speak anymore. Hinayaan niya na lang akong magpaalam kay tita Jemmy at wala ng imik na umalis.
Tinanaw ko ang malaking mansion ng pamilyang Suarez. Specifically, Edward's family.
"Edward Gab Suarez...I love you," I said breathily habang nakasakay ako sa tricycle papalayo sa bahay na 'yon.
My tears began to flow in my eyes but I immediately wiped it off dahil pagkatapos nito...magiging malaya na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/245199241-288-k296605.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Days (SUAREZ SERIES #3)
RomanceMaria Jezebel Nicio only wants one thing. And it is to escape from her father along with her mother. She focused in that mindset until a man shattered it all. Ang kanyang batong puso ay unti-unting nabubuksan. His eyes makes her forget her pain, his...