Kabanata 10

81 1 0
                                    

Trust

Mas lalo lang yatang sumama ang pakiramdam ko sa nangyari. Nagkahalo halo na ang mga emosyon sa akin. Hindi ko na alam kung anong gagawin at mas lalong naiinis ako sa sarili ko dahil naaapektuhan ko.

Bakit dati naman ay walang epekto sa akin kung masama man akong magsalita sa ibang tao?

Naalala ko tuloy ang unang beses kong makita si Edward. His father was scolding him and at that sight I can see that he is a pain in the ass. Lalo na ng lumapit siya sa akin dahil sa isang dare ng kaniyang kapatid.

Hindi ko alam kung alin dun ang naging dahilan ng paglapit niya sa akin. Ano ba talagang itinatago niya? Anong meron at gusto niya sa aking mapalapit o maging kaibigan? Katulad din ba siya ni Patricia?

Natauhan na yata siya sa mga sumunod na araw. Kahit kailan ay hindi ko na siya nakita kahit saan. Kahit sa cafeteria o kahit sa kiosk ay wala siya. At hindi ko alam kung bakit hinahanap hanap pa siya ng mga mata ko.

Napabuntong hininga ako ng umupo ako sa desk ko. Bukas ay sabado na. Half day lang ang pasok bukas pero ngayon pa lang ay tinatamad na ako.

Nang dumating ang lunch ay tatayo na sana ako ngunit nagulat ako sa pagbangga nina Patricia sa aking bag na naging dahilan ng pagkalat nito. Kumunot ang noo ko habang tinitigan ang mga gamit kong nagkalat. Agad nagbulungan ang mga tao sa paligid dahil sa nangyari.

Samantalang sila Patricia ay dire diretso ang lakad na para bang walang nangyari. I clenched my teeth. Now what? Hindi ko na naman pwedeng higitin na lang any buhok niya at kaladkarin siya pababa para ipamukha sa kaniya na sampid lang siya.

Matino pa ako para hindi siya patulan.

Wala akong ginawa kundi ang ayusin na lang ang mga gamit ko. Nagulat pa nga ako ng makitang may tumulong sa aking lalaki. Napatitig ako sa kaniya at napansing isa siya sa mga varsity ng senior high.

"Tulungan na kita," he told me. Hinayaan ko siya.

Nang matapos ay humarap ako sa kaniya para sana magpasalamat pero inilahad niya ang kaniyang kamay para makipag shake hands. Nagsalubong ang kilay ko doon.

"I am Kyle Flores. You are Jezebel Nicio?"

Napatingin ako sa kaniyang kamay at walang sinabi. Binaba niya lang ito at nagkamot ng ulo ng hindi ko ito tinanggap.

"They are right about you. Snobber ka nga," natatawa niyang sinabi.

Hindi ako umimik at aalis na sana pero pinili ko pa rin ang magsalita.

"Salamat," malamig kong sinabi at umalis na.

Pagkagising ko pa lang ng Sabado ay inaamad na ako sa pagbangon. Pero agad akong napatayo ng marinig ang malakas na pagkabasah ng kung ano sa ibaba. Mabilis akong bumaba at hindi ako makapaniwala sa mga nakitang tauhan sa labas ng mansion at pati na rin sa loob. Isa lang ang ibig sabihin nito. Dad is here!

Mabilis akong nagtungo sa kitchen at nakitang nandoon si dad habang galit na galit ang mukha sa harap ni mommy. Mom was just standing there while on her foot was a broken glass.

Mabilis akong namagitan sa kanilang gitna at masamang tiningnan si daddy. Hanggang ngayon ay nasusuklam ako sa kaniya.

"What are you doing here?!" Tanong ko. Mabilis lumambot ang kaniyang ekspresyon ng makita ako.

"Anak away ito ng mag-asawa kaya-"

"Away? Bubugbugin mo na naman si mommy like what you used to do?!" Iritado kong sinabi.

"Wala kang alam Jez-"

"No! You were like that since then! If you are mad with mom you don't have to be harsh on her!" I shouted angrily.

Broken Days (SUAREZ SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon