Left
Pagkauwi ko sa bahay ay nilukob nang katahimikan ang buong paligid. Masyado ri'ng malamig sa buong bahay. It looks lonely and sad.
Tumingala ako sa malaking chandelier sa gitna ng buong mansion at malungkot na napangiti. I have all the extravagance in my life but yet I am not still contented.
Umakyat ako sa ikalawang palapag pero bago 'yon ay napakunot ang noo ko nang makitang medyo nakaangat ang pinto sa master bedroom. Doon si mommy natutulog. It was her room. Naalala ko ang huli naming pag-uusap. She was regretful pero inamin niya rin sa aking hindi siya masaya kahit dumating ako sa buhay niya and it was sad to know na hindi pa rin ako sapat para sa kaligayahan ng mga magulang ko.
While me on the other hand only wants her happiness that I even planned on escaping dad with her. Para maitakas siya sa pananakit nito. But it was all nonsense because after all...hindi ako ang gustong makasama ni mommy. Hindi kami ni daddy.
Dahan dahan akong lumapit sa master bedroom at unti-unting binuksan 'yon. Gano'n pa rin ang hitsura ng kwarto. Malinis at maayos. Mahipid talaga si mommy sa mga gamit. Ngunit ang nakapagpakunot ng noo ko ay nang makita ko ang nakabukas na walk in closet. Bigla akong binundol ng kaba sa naiisip kaya mabilis akong pumasok doon at halos manlumo nang makitang wala na doon ang mga damit at iba pang gamit ni mommy.
Nanlamig ang kamay ko at napatulala na lang sa mga naiisip.
Pero hindi ko agad tinanggap ang katotohanang iiwan ako ni mommy dito kaya hinanap ko siya sa iba't ibang sulok ng mansion.
"Mom?!" I called her but there's no one answering me. Nanginid ang luha sa aking mga mata at mabilis na nagtungo sa kwarto ko at agad kong napansin ang isang papel sa aking study table. Sa nangingilig na mga kamay ay dahan dahan kong...pinulot ang papel at binuksan.
At sa unang mga salita pa lang ng sulat na nakalagay sa papel ay sunod sunod nang tumulo ang aking mga luha. Nanikip ang dibdib ko at nanghina.
Jez,
Mahal na mahal kita anak. Alam kong galit at masama ang loob mo sa 'kin. Pero gusto kong malaman mo na higit pa sa buhay ko ang pagmamahal ko sayo. Totoong hindi ako naging masaya nang pakasalan ko ang daddy mo dahil mayroon akong taong iniibig. Pero simula noong dumating ka sa buhay ko...wala na akong ibang inisip kundi ang kapakanan mo.
You are everything to me. Tataggapin ko ang lahat basta't ikaw ang nasa tabi ko. Pero anak...bumalik siya. Bumalik 'yong tao'ng sobra kong minahal. 'Yong tao'ng nagparamdam sa akin ng pagkakakontento. At alam kong sa panahong 'yon...ako ang nagkasala. Aaminin ko sayong...nadala ako ng damdamin at...nagkamali sa daddy mo.
But when I saw you crying...calling for my name...doon ako natauhan. Kailangan ko nang itigil ang kahibangang 'yon but your father...found out about it. Kaya tinanggap ko ang kaparusahan. I told him to promise me na gagawin niya ang lahat para sayo. Na kahit maghanap pa siya ng iba at magdesisyong mag-anak sa iba ay ikaw pa rin ang pagbibigyan niya ng mana. Because I know how to live without anything. At ayaw kong maranasan mo ang lahat ng 'yon.
Anak...I deserved those beatings. I deserved those wounds and your father's hatred. Hindi ako bulag at alam kong minahal ako ng totoo ng iyong ama kahit pa...mali ang kanyang paraan.
Pero anak...hindi ko na kaya. Ayaw ko ng mabuhay ulit sa kalungkutan. Pinagsisisihan ko ang lahat. Alam ko ang mga pagkakamali ko at kakulangan ko sayo bilang ina ngunit ngayon lang ako hihingi ng isang bagay Jezebel...I want happiness in this lifetime at alam ko kung saan ko mahahanap ang bagay na 'yon.
Tandaan mo'ng hindi ibig sabihin na umalis ako't iniwan ka'y pababayaan na kita. Mahal na mahal kita anak at pangako kong...babalikan kita.
I will come back for you...when everything is settled and fine for the both of us. For now...I just want peace and away from your father.

BINABASA MO ANG
Broken Days (SUAREZ SERIES #3)
RomanceMaria Jezebel Nicio only wants one thing. And it is to escape from her father along with her mother. She focused in that mindset until a man shattered it all. Ang kanyang batong puso ay unti-unting nabubuksan. His eyes makes her forget her pain, his...