Kabanata 17

68 1 0
                                    

Sorry

Sunday came and I didn't know that mom is also invited in Jem's birthday. Kaya naman pareho kami ngayong namimili sa online ng susuotin dahil mamaya na ang party.

Pero hindi rin naman nagtagal ay nakapili na ako at pumasok na ang mga memake-up sa akin kahit hindi na naman kailangan dahil alam ko kung paano ayusan ang sarili ko.

But mom still insist it so I had no choice. Habang inaayusan ako ay nakita ko ang isang text sa aking phone. Kinuha ko ito at napataas ang kilay ng makitang si Edward ito.

Edward:
I hope you'll come to the party. I heard your parents got invited?

Natigilan ako doon. Hindi na kataka taka na invited si daddy doon. Dad and the Suarez are close enough to invite each other.

Napabuntong hininga ako at nagdalawang isip na pumunta. Seeing my dad made me disgusted. What if kasama niya ang kabit niya? Patricia is relatives with Paris kaya siguradong nandoon siya.

Natigilan ako sa isang tawag. It's Edward. I sighed heavily and rejected the call. Pagkatapos nu'n ay isang text naman ang dumating.

Edward:
You're coming right?

Kinuha ko ang aking phone at nag-type ng itetext.

Ako:
No.

After that I turned off my phone dahil pakiramdam ko'y tatawag din sa akin si daddy.

Nang tapos na akong ayusan ay pinaalis ko na ang make-up artist kaya naiwan akong mag-isa sa kwarto ko. I watched my reflection on the mirror. Because of make-up my face became new on my eyes.

Bumuntong hininga ako at napatingin sa dress na susuotin ko. It's a faded spaghetti strap fitted dress that has glitters all over it. It cost a lot because mom chose it for me.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit patuloy pa rin si mommy nagpapakatanga sa isang lalaking wala namang pakielam sa amin. Bakit kailangan pa naming magpanggap na masaya sa harap ng media?

Hindi ba dapat ay magpakatotoo kami sa isa't isa na hindi na kami masaya sa pamilyang ito?

Dahil ba politiko si daddy at masama ito sa image niya? Dahil ba ako lang ang tagapagmana niya sa kayamanang pinundar niya?

I have no interest in any of it!

At isa pa hindi ba't may kabit siya at may anak pa ito? Bakit hindi na lang ito ang gawing first family niya?

When I found out about it, I promised myself that I won't let them eat my dad's money but I realized na magmumukha lang akong tanga kung ipaglalaban ko pa ito kung sa una pa lang ay binitawan na ako ni daddy.

Maybe he still loves me and prioritize me because I am his daughter but I can no longer feel his love.

Pumikit ako ng mariin sakto namang bumukas ang pinto at niluwan no'n si mommy na nakaayos na. Wearing her beautiful black long sleeve dress. It's suit her. She looks beautiful. She looks just like me.

"Are you ready?" She asked and went to me. Kumunot ang noo niya ng makitang naka roba pa ako.

"Dad will be there," I said. Bumuntong hininga siya at umupo sa gilid ko.

"Kahit anong galit natin sa daddy mo hindi nito mababago ang lahat na ikaw ay anak niya at ako ang asawa niya," she said with her soft voice.

"Bakit tayo nagtitiis ng ganito mommy? We can just leave him-"

"Hindi pwede Jez," mariin niyang sinabi. She put my hair behind my ear and looked at me with her gentle eyes.

"Nagtiis ako ng maraming taon para magkaroon ka ng marangyang buhay. I can't let that put into waste," she said. I shook my head in disagreement.

Broken Days (SUAREZ SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon