Kabanata 25

65 1 0
                                    

Rain

Tumigil na ang paghikbi ko. Umalis ako sa pagkakayakap dahil napansin ko ang mahigpit kong pagkapit sa kanya. I swallowed hard and looked away. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya habang ganito ako.

"You should rest...nilalagnat ka pa," he said after a long while.

"Kailangan kong umuwi," malamig kong saad. Narinig ko ang pagsinghal niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ikaw yata itong matigas ang ulo sa ating dalawa," he said while shaking his head.

Umiwas ako ng tingin at nagsimula ng tumayo. Masakit pa rin ang ulo ko pero kaya kong indahin.

"Ihahatid kita sa inyo," he said.

Bumuntong hininga ako. Bakit kaya ganun? Ganito ba talaga siya kalakas para indahin lahat ng masasakit na salita na sinasabi ko sa kanya? Lalayo siya dahil nasaktan ngunit kaya niyang bumalik na para bang walang nangyari. Kung ako sa kanya hinding hindi na ako babalik sa babaeng paulit-ulit akong sinaktan.

"Ikaw ang bahala..." saad ko dahil napapagod na akong ipagtulakan siya palayo. At hindi ko rin alam kung bakit imbis na mainis ay natutuwa pa ako na nandito siya. Sabagay siya ang dahilan kung bakit may sakit ako ngayon.

Naalala ko na naman yung mga sinabi ni Patricia ang katotohanan na tinatago ni mommy sa akin.

Naniwala ako na si mommy lang ang nasasaktan dito. Nasa pagitan ng aking magulang si mommy ang lagi kong kinakampihan. Hindi ko naman akalain na may malalim na dahilan pa pala kung bakit malupit sa kanya si daddy.

Tahimik akong umupo sa front seat. Ni-lock ko ang aking seatbelt habang inii-start ni Edward ang makina ng sasakyan.

"Are you hungry? May gusto ka bang kainin?" Edward asked. Sumandal ako sa aking kinauupuan at pumikit dahil,medyo sumasakit pa ang ulo ko.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Edward.

"I want a...soup," I uttered.

"Okay," mabilis niyang sinabi at pinaandar na ang sasakyan.

Nakakalungkot isipin na kung sino pa yung sinaktan ko ng todo siya pa ang nasa tabi ko ngayon. Pang ilang beses ko na ba siyang pinagtabuyan palayo?

At pang ilang beses na rin ba siyang bumalik sa akin?

Ang lalaking ito ay hindi nadadala. Wala siyang kapaguran. Hindi siya basta bastang sumusuko.

"We're here. This restaurant offers a hot soup," Edward said after a long while. Nagmulat ako ng mata at natanawan ang isang kilalang restaurant dito sa Lucena. Tumango ako sa kanya. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at nagulat ako ng pagbuksan niya ako ng pinto.

"Let's go," he offer his hand. Napatitig ako sa kanya. Somehow...pamilyar ang kanyang kamay.

A hand who offer his hand to me and promised me to teach me how to swim.

I shook my head para tanggalin yun sa isipan. Napansin kong ibaba na sana niya ang kanyang kamay dahil sa matagal ko doong pagtitig ng bigla kong kinuha ang kanyang kamay at hinawakan ito para makababa.

Tumitig ako sa kanya at kitang kita ko ang nagtatagong ngisi sa kanyang mga labi. He's such a gay. Hinawakan ko lang ang kanyang kamay ay hindi na siya magkamayaw sa pagngisi?

Hinayaan ko na lang siya at pumasok na kami sa restaurant. Habang naghihintay ng orders ay napansin ko ang matagal na pagtitig niya sa akin.

"What's your next plan? Now that you...know..." hindi niya na tinuloy ang sasabihin ng bumuntong hininga ako.

Broken Days (SUAREZ SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon