Kabanata 49

82 1 0
                                    


Marry

Hindi ko alam kung paano natapos ang gabing 'yon. I just know that Edward and I kissed. I looked at myself in the mirror, magulo pa rin ang buhok dahil kagigising ko lang. Sandaling napatitig ako sa aking labi at naalala na naman ang mga nangyari. Edward kissed me and I finally confessed that I love him. Hindi ko alam na sobra pa lang nakakagaan ng loob ang pagsabi ng totoo sa taong mahal mo.

Huminga ako ng malalim and decided to have a cold shower. Hindi matanggal ang ngiti ko habang nag-aayos ng sarili lalo na nang makita ko ang isang message na galing kay Edward. Well, he asked for my number last night before he send me home. Wala naman akong pagdadalawang isip na binigay sa kanya 'yon.

Edward:

Good morning! What time's your work? I asked Eina but she doesn't want to answer me.

Napangiti ako sa text niya. I am smiling like an idiot while typing my reply.

Ako:

10 am.

I hit send and stared at my reply. Napanguso ako nang ma-realize kung gaano katipid ang reply ko sa kanya. Well, I am not used in this kind of thing. Hindi ako nagtetext at mas lalong...kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng text mate.

Edward:

I'll fetch you. Wait me there.

Napatitig ako sa text niya at mabilis na binitawan ang phone para mabilis na makapag-ayos. Nalito pa ako kung ano ang susuotin ko, sa huli ay napili ko ang isang tube top, black blazer and pencil cut skirt with three inches heels. Pinagmasdan ko ang hitsura ko sa salamin pagkatapos kong maglagay ng kaunting make-up.

I heaved a deep breath. Why am I nervous? This is the first time he'll fetch me after so many years we've been apart kaya siguro tensyonado ako ngayon. Lalo pa't sariwa pa sa akin ang mga nangyari kagabi. Para pa rin akong na nanaginip dahil hindi pa rin ako makapaniwala na maayos na kami ni Edward. That I finally can tell him what's inside my heart.

Saktong pagkababa ko sa aking kwarto ay narinig ko ang busina ng isang sasakyan sa labas. Napangiti ako ng malaki nang makita ko ang magarang sasakyan ni Edward. Lumabas si Edward sa driver seat at pinagbuksan ako ng pinto sa front seat. He looks dashing in his polo white long sleeves and black slacks. Lumapit ako sa kanya at hindi ko inaasahan ang paghawak niya sa bewang ko at paghalik ng mabilis sa aking labi.

He smirked when he saw my surprise face. "That's a good morning kiss. Dapat ka ng masanay, Jez." He said playfully. Nag-init ang pisngi ko dahil sa nangyari at walang imik-imik na pumasok at umupo sa front seat. He closed the door at nakita ko siyang umikot patungo sa driver seat. Tinago ko ang tensyon na nararamdaman ko nang makapasok na siya sa sasakyan.

"Anong oras ang tapos ng trabaho mo?" he asked while driving. His eyes are focused on the road. "7pm? Ako rin kasi ang nagsasarado ng shop," sagot ko.

"What? You go home that late?" he asked a bit critical. "It's not that late kaya ayos lang," sambit ko dahil parang ayaw niya yatang gano'n ang uwi ko. Well, wala rin naman siyang magagawa. That's the schedule Eina has assigned to me.

"Who gave you that schedule?" he asked suddenly. "Si Eina," wala sa sarili kong sagot. "I'll ask her to change your schedule." He said. My eyes widened and shook my head. Damn! Kailan niya pa ba talagang gawin 'yon?

Nakakahiya kay Eina!

"You can't. She's, my boss. Wala na tayong magagawa kung 'yon ang gusto niya. I am just her employee, I have to follow the rules," paliwanag ko para maintindihan niya na hindi pwede ang gusto niya.

"I am sure she'd hear me out kapag sinabi ko 'yon." He implied. "Bakit ba gusting gusto mong baguhin ang schedule ko?" tanong ko dahil nagtataka na ako sa pinaglalaban niya. I glanced at him and saw him seriously holding the steering wheel.

"So that we have plenty of time to be together at night?" he said. Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Kung alam niya lang kung gaano ko rin kagusto ang makasama siya ng matagal. But of course, I won't voice it out at baka pa gawin niya nga ang iniisip niya. Eina is kind and I am sure she'd approve of what Edward's wants pero ayaw kong mang-abuso na porke't si Edward ang nagsabi ay pwede na.

"We still have plenty of time, Edward..." mahina kong sinabi at nag-iwas ng tingin. Nilipat ko ang tingin sa bintana kung saan nakikita ko ang mga establisyementong nadadaanan namin.

"Do you want to live with me?" seryoso niyang tanong at hindi ako makapaniwala na tinanong niya 'yon dahil halos mabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa sobrang gulat sa sinabi niya!

"A-Ano?" nagugulat kong tanong dahil baka nagkakamali lang ako ng rinig sa sinabi niya.

"Do you want to live—"

"Wait!" hindi ko na siya pinatapos dahil tama naman pala ang pagkakarinig ko. Nagulat ako nang itigil niya ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Malapit na kami sa office ni Miss Eina at ngayon niya pa talaga naisipang itanong 'yon!

"Is there something wrong?" he asked like there's nothing wrong with his question! Hindi niya ba alam na sobrang nakakagimbal ang tanong niya?

"Edward...living together is not exactly what you think it is," malumanay kong sinabi. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pagkunot ng kanyang kilay. Hindi niya ba talaga alam ang ibig sabihin ng sinasabi niya? Living with someone means a deeper connection. We're just starting. Hindi ko alam kung magwowork ba kami sa gano'ng ayos. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang lahat ng iniisip ko.

"Do you think that I do not understand what I am saying?" he asked that made me still. His eyes were serious. Kitang kita ko kung paano siya sigurado sa mga sinasabi niya. Nagsimula na naman tuloy maghurimintado ang dibdib ko.

"Jezebel...noon pa lang sigurado na ako. I am sure with you. Pero hindi ko pwedeng ipagsiksikan ang sarili ko sa'yo that's why I have no choice but to wait," mariin niyang sinabi. I swallowed hard as I see his eyes softened. He held my hands. Kinulong niya ang aking kamay sa loob ng kanyang kamay at marahan itong hinaplos. Nagdulot ito ng kakaibang kiliti sa aking balat. I feel like floating because of his gentle touches.

"I have wait for you all these years. Do you still think I am not sure with this?" he asked painfully. Nanginig ang labi ko. Pinilit kong maging bulag noon sa mga bagay na pinapakita sa akin ni Edward dahil akala ko noon hindi ko kailangan ng kahit sino para manatili sa tabi ko. Nagkaisip ako sa masalimuot na pagsasama ng magulang ko. It causes me to choose to be alone. Pero noong nakilala ko si Edward. I have realized that I need someone. And that someone is him.

"Marry me, Jez..." mas lalo pa akong nagulat sa sinabi niya. Mas lalo ding nagwala ang puso ko sa aking dibdib. Mas lalong nanlambot ang mga binti ko. Without knowing, my tears flowed in my eyes. His thumb automatically wiped it off for me.

"I promise you...you'll never be alone again." He said like it was his promise for eternity, he said it like he was sure he'd do it no matter what happens. He said it like even though we face struggles he'll forever hold my hands and never leave me alone.

Mas lalo pang nanalaytay ang mga luha sa aking pisngi. Pinanuod niya ang mga luha sa aking pisngi at imbis na punasan ito gamit ang kanyang kamay ay naramdaman ko ang kanyang labi na pumapawi nito.

And in that moment I know...he is the one for me.

Broken Days (SUAREZ SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon