PROLOGUE

49.9K 463 45
                                    

MCMASTER SERIES #5

[HYRIA NIELLA BENZUELO and VILTOVIO MONTE RAHAL]

Nakatuon ang pansin ko sa pamilya ko, kaka-uwi ko lang at pinapunta ako nila manang sa dining para sumabay na sa dinner

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatuon ang pansin ko sa pamilya ko, kaka-uwi ko lang at pinapunta ako nila manang sa dining para sumabay na sa dinner. Naka-tingin ako at pinakinggan ang masaya nilang usapan sa hapag.



"See? I told you." It was my mom. "I'm so proud of you, Vika." 



My sister smiled. "Mommy, kung hindi niyo naman ako tinulungan for sure hindi ko magagawa 'yun, thanks to you."


Nag-dadalawang isip ako kung tutuloy ba ako at sasabay sa kanila o pupunta nalang ako sa silid at mamaya na kakain. They looked happy very happy for my sister and I don't want to ruin their moment. 


"Rhia." nakatalikod na ako nang tawagin ni daddy. 



Lahat sila ay naka-tingin sakin. Nag-pasya nalang ako na sumabay sa kanila, umupo ako sa tabi ni Vika. Si mommy ay naka-ngiti parin sa kapatid ko at hindi man lang ako napansin. I heard na she passed her exam today kaya masaya sila.



"Hindi mo ba babatiin ang ate mo." 



I looked at her. "C-congrats, happy for you." 



Hindi siya nag-salita at tipid lang na ngumiti sakin. Hinahamadali ko ang pag-kain dahil wala akong ibang naririnig kundi ang papuri nila sa kapatid ko, halos ata 'yun ang bukang bibig ng magulang ko ngayon. Hanggang sa matapos ako ay hindi parin sila nagpapa-awat.



"Excuse me." I stood up after I finished my dinner.



Kinuha ko ang bag ko sa couch at umakyat papunta sa silid. Binagsak ko ang bag sa floor at dumapa sa kama, napapabuntong hininga ako mag-isa. Humiga din ako nang maayos at tumingin sa itaas, kung ano-ano nalang ang iniisip ko.



Vika is my step sister, may anak si daddy bago pa sila mag-pakasal ni mommy at si Ate Vika 'yun her mother died when she was young. Close na sila ni mommy before pa ako dumating, she's the first daugther. At hindi gaya sa palabas na mapapanood sa TV hindi masama ang turing ni mommy sa kaniya, I know that she's my mom's favorite. 


Ever since we were young all the attention and love, nasa kaniya. Halos lahat binigay sa kaniya nila daddy but never akong nagalit sa kapatid ko, she lost her mom at a very young age hindi niya naramdaman ang pag-mamahal ng totoong magulang kaya hinayaan kong maging malapit siya kay mommy. I want the best for her, and she's my only sister. Importante siya sakin, sobra.

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon