Nang sandaling maka-tapak ang paa ko sa sahig ay napa-ngiti ako. Inalis ko ang shades sa mata, I was busy chewing the gum in my mouth. Huminga ako ng malalim bago mag-lakad.
"Baby kooooo!" I looked around.
Nakita ko agad na tumatakbo papunta sakin si Sadie, mabagal at maarte siyang tumakbo dahil sa taas ng heels. She quickly hugged me, inalog-alog niya pa ako na parang ilang daang taon kaming hindi nag-kita.
"Okay, okay, tama na. Mahigpit masyado!" I was trying to push her.
Talagang may dala pa siyang tissue incase na maiiyak siya. "Ang sama talaga ng ugali mo hindi ba pwedeng namiss lang kita."
Sinuot ko ulit ang shades ko. "Parang three months lang naman akong nasa Italy."
Naglalakad na kami, siya ang nag-dadala ng bag ko. "Kahit na, palagi ka nalang kayang umaalis para pumunta sa kung saan-saan at lahat ng trabaho sa akin napupunta. Hindi ka ba napapagod, last year halos walong bansa na inikot mo, nag promise ka pang sabay tayong mag-papasko pero nasaan ka last christmas? nasa France ka para mag-libot, palaging ako nalang ang naiiwanan dito."
Natawa ako sa kaniya at inakbayan siya. "Kaya nga solo trip, don't worry I'm planning to visit Iceland next time, we'll go there together, promise na 'to."
"Don't tell me aalis ka nanaman next month?!" sinamaan niya ako ng tingin.
I shook my head. "No muna, nag-promise na tayo kay Mrs. Lopez na ang company ang bahala sa fashion show next month, at wala pa tayong na-aasign na team for the fashion show kaya umuwi ako para dun."
Inilagay namin ang ibang gamit ko sa likod ng sasakyan niya, noong una hindi pa ako makapaniwala na bago na naman ang car niya, she's wasting her money, I don't care pera niya naman 'yun.
Unlike sa mga bansang napupuntahan ko masyadong traffic ang lugar dito isa sa mga ayaw na ayaw ko. Nasa shotgun seat ako at binuksan ng bahagya ang bintana, humuhampas sa mukha ko ang malalakas na hangin, it feels good.
"Hindi ba pwedeng kahit sa taon na 'to mag-stay ka sa pilipinas ng isang taon, masyado mo namang pinapahalata na ayaw mo sa sariling mong bansa." natatawang sabi niya.
"Hindi naman magagalit si Rizal kung ibang bansa ang mamahalin ko diba." seryosong sagot ko. "And I don't hate this country, I just hate the people who live here."
Bumuntong hininga siya. "Speaking diyan sa 'people you hate' aattend ang parents mo sa fashion show ni Mrs. Lopez, nakita ko 'yung name nila sa list..and one more pa pala mag-kalapit lang 'yung table natin sa kanila for sure makikita mo ulit ang parents mo 'yan."
Wala akong reaksyon, pinapakiramdaman ko lang ang hangin na nang-gagaling sa labas.
"I don't care."
"Anong I don't care ka diyan, diba nga hindi mo na sila nakaka-usap, halos six years na kaya na hindi maganda ang relasyon mo sa parents mo simula nung umalis ka at dalawang taong hindi nag-paramdam samin." sabi niya pa.
BINABASA MO ANG
Treat me right, Architect (McMaster Series #5)
RomanceNOTE : my character isn't perfect like you, like us, they make mistakes, they cry and get hurt. She sacrificed everything for family, she gave up everything for them just to be a good daughter and she's willing to let go the only man that she loves...