"Wala ka bang balak bumalik sa bahay niyo isang linggo ka na kaya dito hindi ka naman nag-aambag ng ulam araw-araw."
After ng mga nangyari ay hindi ko magawang umuwi sa bahay, hindi naman din nila ako hinahanap. Isang linggo na ako sa bahay nila Sadie, at mas natataranta ang utak ko dahil sa pag-bubunganga niya, bagay talaga siyang maging nanay.
"Ngayon ko lang sasabihin sayo 'to ng malakas." humarap siya sakin. "Bobo ka, tanga ka madalas. Ikaw 'tong nanakit sa tao tapos ikaw 'tong iiyak na parang wala ng bukas!"
Napa-hawak ako sa dibdib ko, ang sakit niya naman mag-salita. Masama bang mag-drama lang kahit ilang araw, may karapatan naman ako dahil ako ang may pinag-dadaanan saming dalawa. Higit na icomfort niya ako, sinasabihan niya pa ako nang masasakit na salita. Nakakatampo!
"Never ka pang na-inlove kaya wala kang karapatan na husgahan ako!" sigaw ko habang pinupunasan ang luha.
"Wow, so parang kasalanan ko pa na hindi ako kasing rupok niyong lahat? sorry naman, nakakahiya naman sayo. Kailangan ko pa ba maging broken para madamayan ka? sabihin mo lang hahanap ako ng lalaki diyan sa labas, madaming poging nag-bubuhat ng semento sa labas."
Ngumuso ako at umirap sa kaniya. Matino naman akong kausap ngayon bakit ayaw niya akong kausapin nang matino! hindi ko ba deserve 'yun?! nag-patuloy lang ako sa pag-iyak, nagawa ko pang tignan sa salamin kung gaano kamaga ang mga mata ko.
"Hindi mo na kailangang tignan sa salamin ang mukha mo maganda ka parin naman kahit umiiyak, blessing 'yan."
Binitawan ko ang salamin, muling humiga sa sofa, sa loob ng isang linggo halos hindi ko magawang makatulog ng maayos, buong gabing puro pag-sisisi ang nararamdaman ko, gusto kong bawiin ang lahat, gusto kong mang-hingi ng tawad pero hindi ko magawa, nasabi ko na at nagawa ko na 'yun. Mahirap nang bawiin ang lahat, hindi ko na ulit siya mababawi.
Umayos ako nang upo at niyakap ang tuhod. Yumuko ako habang humihikbi, hindi ko malaman kung bakit ko kailangang umiyak kung ako 'yung nanakit, bakit kailangan kong umasta na parang biktima dito.
Nakita ko siyang tumayo at binigay sakin ang isang papel. "'Yan ang mga babayaran mo sakin dahil isang linggo kang nandito, kasama na 'yung aircon kasi tuwing gabi ko nalang naman binubuksan 'yun pero nung dumating ka naging buong araw kaya babayaran ko din 'yun."
"Are you fucking serious right now?!" tinignan ko ang mga nilista niya, nag-bibiro ba siya sakin ngayon?
"Heart mo lang naman 'yun broken hindi 'yung wallet mo kaya bayaran mo na ako."
Natawa siya sa pag-simangot ko. Huminga ako ng malalim saka biglang umiyak ng malakas, nagulat nalang siya dahil bigla ko siyang niyakap ng mahigpit habang nakatayo siya sa harap ko.
"Ginusto ko 'yun, gusto kong saktan siya para pakawalan niya ako pero hindi ko naman alam na ganito pala kasakit 'yun. Bakit daig ko pa namatayan ngayon!" naiiyak na sabi ko. "Help me please, hindi ko na alam ang dapat kong isipin, gulong-gulo na ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko."
BINABASA MO ANG
Treat me right, Architect (McMaster Series #5)
RomanceNOTE : my character isn't perfect like you, like us, they make mistakes, they cry and get hurt. She sacrificed everything for family, she gave up everything for them just to be a good daughter and she's willing to let go the only man that she loves...