Bilang ang mga oras ng pahinga namin, abala kami sa pag-punta sa hospital para bantayan si Vika. Madalas walang tao sa bahay, umu-uwi lang ako kapag nandon na sila mommy para bantayan ang kapatid ko. Kadalasan nandoon din si nanay kaya ako ang mag-isa sa bahay.
Mag-isa akong nasa bahay ngayon, si nanay lang ang nagpapa-alam sakin nang mga nangyayari doon. Umu-uwi lang sila daddy tuwing kukuha ng damit, kailangan ko ding umattend ng workshop kaya hindi ako madalas na nasa hospital para makasama si Ate.
Kanina pa ako hindi mapakali dahil hindi sumasagot ng tawag ko si Vilto, ang sabi niya ay wala siyang ibang importanteng gagawin ngayong araw, pero naka-ilang missed calls na, hanggang ngayon kahit text ay wala akong natatanggap.
Tumigil na din ako dahil baka may dapat o biglaan siyang dapat gawin ngayong araw.
Naisipan kong pumuntang Hospital, dumating ako na dala ang ibang pag-kain. Wala sila mommy, ang sabi ni nanay ay kaka-alis lang daw nila bago ako dumating.
"Anak maiwan muna kita at bibili lang ako ng tubig sa labas." paalam ni nanay at iniwanan ako para bantayan sa silid si Vika.
Inaayos ko sa lamesa ang mga prutas na dala ko, hindi parin siya gumigising kaya umupo muna ako sa maliit na sofa sa room niya, habang nakapikit siya ay nakikita ko ang pag-galaw ng mata niya, parang kahit sa pag-tulog at panaginip may sakit parin siyang nararamdaman.
Natagal si nanay sa pag-bili ng tubig, hanggang sa makita kong gumising siya. Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya, hirap na hirap pa itong ibuka ng maayos ang mga mata niya. Tinignan ko ang schedule ng pag-inom niya ng gamot, kailangan niya munang kumain.
Tinulungan ko siyang sumandal sa headboard ng kama. Kahit ang pag-ngiti ay hirap na hirap na siya, ilang linggo lang siyang nandito pero nakita ko ang pag-babago ng katawan niya, sobrang laki ng lakas na nabawas sa kaniya at bakas na bakas 'yun sa mukha nito.
"The camera." mahinang sabi niya habang nakatitig sa camerang nasa sofa, 'yun ang regalo niya sakin nung graduation ko.
"I forgot to say thank you." sabi ko habang naka-upo sa tabi ng kama niya.
Tipid ang pag-ngiti niya. "Alam mo ba na nag-iisa nalang 'yan nang bilhin ko? ang sabi kasi nung sales lady doon, the best camera daw 'yan, you were the first person who came to my mind after kong makita 'yan. Naisip ko na dapat kong bilhin 'yan, because my little sister is a future professional photographer."
Naka-hawak siya sa tagiliran, napapangiwi ang mukha. Tinignan ko siyang tinitiis ang kirot sa katawan.
"Binitawan mo ang pangarap mong maging doctor para sakin, maraming salamat."
"Kaysa naman pangarap mo ang mawala. Pangarap lang 'yun, pwede pa ako mangarap ng madami, madami pa akong pamimilian pero ikaw, una palang alam ko na 'yan ang pangarap na dapat sayo, wala ka kasing ibang bukang bibig noon kundi ang camera mo." mahina siyang natawa.
Napa-yuko ako, mahinang natawa para itago ang naiiyak na mata.
BINABASA MO ANG
Treat me right, Architect (McMaster Series #5)
RomanceNOTE : my character isn't perfect like you, like us, they make mistakes, they cry and get hurt. She sacrificed everything for family, she gave up everything for them just to be a good daughter and she's willing to let go the only man that she loves...