CHAPTER 8

8.9K 179 33
                                    

Naka tingin lang ako sa calendar sa kwarto ko. Binibilang ko ang araw na hindi kami nag-uusap ni Vilto. Hindi ako mapakali habang iniisip na isang linggo na, dalawang beses siyang bumisita sa bahay pero hindi parin namin magawang mag-usap.


Ini-isip ko ang sinabi ni Sadie, ano nga ba sakin kung hindi niya ako pansinin o kausapin. Kung galit man siya sakin bakit ba kailangan ko pang paki-alaman lahat...But still! hindi parin ako sanay na ganito, hindi ako ngayon maka-panood ng game nila dahil hinihila na agad ako ni Sadie papauwi.


"Alam mo kung ako sayo kaysa mag-isip ka ng kung ano-ano bakit hindi mo nalang ako ilibre." 


Sinamaan ko siya ng tingin. Pati ba naman pagkain niya sagot ko na rin? mukha ba akong sugar mommy?


"Tumayo kana! tutal ako naman gumawa ng activity mo kanina ilibre mo ako bilang bayad." pinag-pagan niya ang suot.


Kinuha ko na ang bag ko saka sumabay sa kaniya. Nag-lalakad kami papunta sa cafeteria ng biglang magsunod-sunod ang sigawan ng mga lalaki. Kaming dalawa naman ay napalingon sa likod at pinag-masdan ang pag-iingay at natawanan ng boys.


Kasama doon si Vilto, kung mag-lakad sila ay parang siga sa kalsada. Na-uunang siyang naglalakad habang seryoso ang tingin sa daan at hindi pinag-mamasdan ang mga titig sa kaniya ng ibang girls.


Bigla akong nakaramdam ng kaba ng papalapit na sila samin. Hanggang sa nalaglag ang panga ko ng hindi niya ulit ako pinansin at dinaan lang kami.


"Kita mo na? hindi ka pinansin diba?" bulong ni Sadie sa tenga ko. "Kaya tara na dahil nagugutom na ako."


Naka-tanga parin ako habang pinapanood siya kasama ang teammates na umupo sa isang table. Hawak ni Sadie ang braso ko at hinihila, tatlong table ang layo ng pwesto namin sa kanila. Naka-simangot ako habang naka halumbabang nakatuon kay Vilto. 


"Sakin nalang itong pagkain mo." 


"Okay." simpleng sagot ko. 


"Pati 'yung drinks akin nalang ha?" 


"Kunin mo na." sagot ko habang hindi nakatingin kay Sadie.


Nag-tatawanan parin hanggang ngayon ang mga kasamahan niya habang abala siya sa telepono at hindi ginagalaw ang pag-kain. 


"Tingin ko galit parin siya." ngumuso ako. "Hindi niya parin ako pinansin kanina." 


"Sino kaba para pansinin niya?" mas lalong sumimangot ang mukha ko sa sagot ni Sadie.


Nag-sorry naman ako sa mga sinabi ko pero mukhang galit parin siya hanggang ngayon sakin. Parang noon kahit malayo palang ako nakikita ko na agad na kumakaway siya sakin at ngumingiti pero ngayon kahit tango o tipid na ngiti hindi ko makita sa kaniya. Ganon ba talaga siya magalit parang hindi marunong maka-limot?


Hindi ko nakasabay kanina si Sadie dahil dumaan siya ng library. Naisipan kong pumunta sa building nila Vilto, hindi ako mag-sosorry nag-babakasakali lang ako na baka kausapin niya na ako ngayon. For sure kakausapin niya ako kapag sinabi ko na kailangan na siya ulit ang model sa project namin, hindi totoo 'yun pero ito lang 'yung way na alam ko para makausap siya.

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon