CHAPTER 23

9.7K 182 27
                                    

Hindi ko parin makalimutan ang nangyaring usapan naming dalawa ni Ramir. Pakiramdam ko sobrang sama kong tao pero naging totoo lang naman ako sa sarili ko kaya ko nasabi 'yun sa kaniya and totoo namang din he deserves someone better, at malabong ako 'yun.


"Susubo ka o susubuan pa kita!" hindi ko napansin na naka-balik na pala sa table si Sadie.


Kanina pa ako nakatulala lang, galit pa itong pumunta sa upuan niya at binigay sakin ang pagkain.


"Ano ba kasi 'yang inisip mo mas mahalaga pa ba 'yan kaysa sa pagkain na nasa harap mo ngayon. Kung mas mahalaga 'yang inisip mo e'di sakin nalang 'yang pag-kain."


Hinampas ko ang kamay niya dahil seryoso siyang kukunin ang pagkain ko. "Syempre mas mahalaga 'yung pagkain."


"Yun naman pala e, ayusin mo nga 'yang mukha mo. Hindi kana mukhang richkid. Mukha ka nang dating richkid na poor version."


Umirap ako sa kaniya. Mabilis kong kinain ang food dahil alam kong uubusan niya ako. Pero mabagal parin ang pag-nguya ko. Hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin, sa dami ba naman ng laman ng utak ko imposibleng mag sabay-sabay 'yun.


"Alam mo kung na-guguilty ka dahil sa sinabi mo kay Ramir-"


"Hindi ako nag-sisisi at hindi ako nagiguilty! feeling ko lang ang sama kong tao." napasandal ako sa upuan at ngumuso.


"Talaga. Sobrang sama mo, feeling ko din ang dami mo ng bawas sa langit dahil sa pananakit mo sa mga lalaking pilit na pumapasok sa buhay mo. Sobrang bad mo, ikaw na ang pinaka masamang tao-"


Hinagis ko sa kaniya ang tissue para matahimik. "Nagiging totoo lang ako sa sarili ko, saka ayaw kong pag-paasa ng tao. Lalong ayaw kong mang-gamit, never ever kong gagawin 'yun!"


"Alam mo sobrang gulo ng buhay mo. Feeling mo masama kang tao pero nagiging totoo ka lang, ano ba talaga?" nag-kunot ang noo niya. "Ang gulo, mas magulo pa sa buhok na sampong taong hindi nasuklay."


Sumimangot ako dahil hindi niya ako maintindihan. "Ayokong pumasok sa kahit anong relasyon."


Ang mga tingin niya sakin ay nakaka-inis para bang wala siyang tiwala sa mga sinasabi, feeling niya palagi akong nag bibiro.


"Okay ganto 'yun." inubos niya muna ang laman ng bibig. "Kapag feeling mo hindi ka ready na pumasok sa isang relasyon o mag papasok ng tao sa buhay mo e'di sarado mo 'yang puso mo sa kahit sino. At kung kaya ayaw mong magpapasok ng iba kasi may iba kang gusto..mas mabuti ngang huwag kang mag-paasa ng iba, kung masaktan man sila hindi mo kasalanan 'yun, nasasaktan tayo dahil sa taong pinipili natin at tayo ang may gusto nun, kaya kung masaktan man sila pinili nila 'yun dahil ginusto ka nila.." mahabang paliwag nito sakin.


Naintindihan ko at malaking tulong sakin ang sinabi niya to be honest. Pero hindi ako makapaniwala kung saan siya humugot ng ganun. As far as I know she never had a boyfriend, dahil nga study first siya.


Nag-halumbaba ako sa table. "Are you inlove?"


Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon