CHAPTER 21

9.7K 189 23
                                    


Buong linggo kaming mag kasama ni Sadie at abala sa mga ginagawa. Gusto niyang tulungan ang tatay niya sa mga badget sa bahay kaya hindi ako nag-dalawang isip na tumulong.


"Kung i-post kaya natin 'yung magagandang kuha mo para naman mabilis nating makuha yung atensyon nila. Feeling ko walang sigla kung puro simple lang."


Kanina pa siya panay salita at naka-upo lang sa tabi ko. Napag-isipan lang namin ang pwedeng way para kumita, gusto ko siyang matulungan kaya sumasang-ayon ako sa kaniya.


"Wait, sa tingin mo may mag-papabook satin? ang daming magagaling na photographer ngayon, imposible naman kunin nila ang mas bata." nag-aalalang sabi nito.


Tumalikod ako sa laptop at humarap sa kaniya. Hindi pa nga kami nag -uumpisa may hirit na agad siyang naiisip. Wala namang mawawala kung susubukan namin, if ever na hindi gumana pwede pa namang subukan ulit.


Tumayo ako. "Let's try this one. I promise magiging successful 'to."


Huminga siya ng malalim. "Okay, for the first time mag-titiwala ako sayo mukha namang deserve mo."


Sumimangot ako at umirap sa kaniya, bumalik ulit sa laptop. Madali lang humanap ng trabahong pwede mong pagkakitaan pero mahirap tumagal sa trabahong wala kang alam at hindi ka determinado.


Pareho kaming tahimik at nagulat ng tumunog ang laptop ko. Tumayo siya at agad sumilip, nag-tinginan kaming dalawa sa isa't isa, may kakaibang ngiti sa labi namin nang basahin ang isang mensahe. Dahan-dahan akong tumayo.


"I told you!" nag-tatalunan kaming dalawa. "Mag-tiwala ka lang sakin." panay ang sigaw niya, tumayo pa ito sa kama ko at doon lumundag.


Binasa ko ang message para makasigurado. "Sandali baka naman scam niyang pag-book satin, dapat sigurado tayo."


"No, look, It's a birthday celebration." pag-kukumpirma ko. "Saturday, and here's the venue."


Nang totoo na at sigurado na kami ay nag-yakapan kaming dalawa at panay ang sigaw. Buti nalang ay hindi kami maririnig ni nanay kundi papagalitan kami. Sadyang masaya lang kaming dalawa.


Gaya ng dati ay minsan lang umuwi sila mommy, kay nanay ako madalas mag-paalam gaya ngayon. Sinundo ako ni Sadie, nakita kong kinakabahan ito.


"Calm down. Wala naman tayong ibang gagawin kundi kumuha ng litrato, That's all." sabi ko, nasa taxi kaming dalawa.


"Sana libre 'yung food." sabi nito at mas ina-lala pa ang pagkain.


Tumawa ako. "Umayos ka nga, birthday ang pupuntahan natin, nandon tayo para sa trabaho at para kumita din ng pera hindi para kumain at magpataba, gets mo?"


Sinamaan niya ako ng tingin. "Syempre magugutom naman din tayo dun. Alam mo bang hindi ako kumain ng agahan at tanghalian para sa dinner masarap ang pagkain ko...at sana gwapo 'yung may birthday."

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon