CHAPTER 3

12.1K 220 19
                                    

I quickly throw my vape when I saw my Proffesor. Nainis ako at napa-pikit nalang bakit sa daming pwede kong pag-tapunan palaging sa trashcan ko 'yun natatapon. Pang-limang beses ko na 'to.


Hindi naman ako madalas gumamit nun minsan lang just to release my stress minsan naman to keep myself calm feeling ko kasi narerelax ako. Hindi ako pwedeng gumamit nun sa house my parents will surely gonna to kill me.


Panibagong projects na naman ang gagawin namin kaya panibagong puyatan na naman ang mangyayari sa loob ng isang linggo. Minsan nakakapagod din kaya ang pag-puyat.


But at the same time mas narerelax ako kapag may iba akong ginagawa sa buhay dahil nakakapagod din naman kapag walang ginagawa. Before ako mag college sinabi na sakin ni daddy na business ang kunin kong course dahil gusto nitong tulungan namin siya sa pagpapatakbo ng company niya. So my sister took business course while ako naman mas pinili 'to. Bata palang ako gusto ko na ang humawak ng camera at kuhanan ng litrato ang lahat ng bagay na makikita ko. 


He got mad after that, hindi niya kasi inaasahan na hindi ko siya susundin. Ngayon naman na nakakatulong na ang kapatid ko sa company niya hindi niya na ako kailangan at gusto ko ding gawin ang mga bagay na gusto ko hindi ang bagay na gusto nila para sakin. 


"Ang aga naman ng alis mo?" nakita kong nag-wawalis sa labas si nanay.


"Gaya nga nang sabi mo mas maganda na ang maaga kaysa ang mahuli." sagot ko naman sa kaniya at sinarado ang malaking door.


Tinignan ko ang skateboard ko sa gilid at agad ko 'yung kinuha. Mukhang hinanda na talaga ni nanay ang pag-alis ko. Parang sa park lang naman ang punta ko, sa kaniya ako madalas mag-paalam kung saan ako pupunta dahil palaging wala ang parents ko sa bahay kaya kung malate man ako ng uwi atleast alam nila kung nasaan ako. But never naman nila akong hinanap.


Tinali ko ng mataas ang buhok ko saka sinuot ang itim na sumbero at sinabit ang camera sa leeg ko. 


Papa-alis na sana ako ng may kunin ako sa bulsa, bigla akong may na-alala na ibibigay sa kaniya. "Here, I heard na nasa hospital 'yung kapatid mo." kinuha ko ang natirang pera sa wallet ko at mabilis na inabot sa kanya. 


Nagulat pa ito saka ayaw kunin ang pera. "Nako, huwag na. Binigyan naman na ako ng pera ng mommy at daddy mo hindi na kailangan." 


Umi-iling ako at pilit inaabot 'yun sa kaniya. "Nanay iba naman ang bigay nila sa bigay ko. Saka sorry kung five thousand lang 'yan lang kasi 'yung natirang allowance ko last month." nahihiya akong napakamot ng batok.


Wala siyang pamimilian dahil alam niyang mag-tatampo ako kapag tumanggi siya sakin. "Alam ko namang nag-iipon ka." sabi niya pa. "Pero salamat nak, malaking tulong na 'to lalo na sa kapatid ko." 


She's always there for me. Never siyang nawala. Hindi sapat ang pera para makabawi sa lahat ng ginawa at pag-aalaga niya. I love to help her it makes me happy. 


Malapit lang naman ang park sa house namin kaya libangan ko narin ang mag skateboard papunta doon, madami naman din akong nakikitang mga taong nag-kakarerahan. Nasa gilid lang ako, mabagal ang pag-papaandar ko dahil may mga bata din sa harap.

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon