CHAPTER 28

9K 171 17
                                    


"Calm down, okay, kilala ka naman nila mommy." hawak niya ang kamay ko bago kami pumasok sa bahay nila.


Kahit nakikita ko na ang parents niya never pa naman akong naka-pasok sa house nila at mas lalong never ko pang nakaka-usap ang mommy at daddy niya. Ang alam ko sobrang boto ang mommy niya kay Vika noon, kaya kinakabahan ako. Normal lang naman siguro 'to.


"Let's go." hindi niya pinakawalan ang kamay ko hanggang sa sabay kaming pumasok sa loob, sobrang ganda at laki ng bahay nila. Dahil nga parehong business man ang magulang niya.


Umiikot lang ang mata ko, gaya ng bahay namin madami ding babasaging bagay na nakakatakot hawakan dito sa mansion nila. Nahinto kami sa gitna, maya-maya ay may natawan kaming lalaking nag-lalakad, si Vilto ay nag-mano sa kaniya. Ang daddy niya.


Tinago ko ang panginginig ng dalawang kamay ko ng lumapit ito samin. "G-good evening po, Sir."


Tinitigan niya lang ako at pilit kinikilala. Business partner siya ni daddy at minsan na rin niya akong nakita at binati noon, kay Vilto bumalik ang pansin niya at tinitigan ng seryoso ang anak na tila may gustong itanong.


"Where's mom?"


"Nasa dining, she's waiting for you."


Ngumiti ito sa ama bago hawakan ulit ang kamay ko. Kinakabahan parin ako hanggang ngayon, hindi ko alam ang pwede kong sasabihin mamaya sa mommy niya. Pero binibigyan niya naman ako ng malakas, kaya nakaka-gaan 'yun ng pakiramdam.


"Hey, mom, good evening." lumapit siya at humalik sa ginang na naka-upo.


"Again? late ka na naman sa dinner, son."


"I'm sorry mom may sinundo lang ako." pumunta siya sa gawi ko at pinalapit ako sa mommy niya.


Magalang akong ngumiti dito. "Magandang gabi po," inilagay ko sa likuran ang nanginginig kong kamay.


Ilang minuto ang tinagal ng titig nito sakin, hindi ko alam kung masaya ba ito o hindi, hindi ako nakarinig ng pag-bati o pag-ngiti man lang sa kaniya. Biglang dumating ang daddy niya sa hapag at naupo habang naiwan kaming dalawa ni Vilto na nakatayo.


"Mom, dad." tawag niya dito. "Si Rhia, my girlfriend." he smiled at me.


Hindi gulat pero mababasa kong hindi nila nagustuhan ang sinabi ng anak, sana nga ay mali ako nang inaakala. Kahit naman sino gustong mapalapit sa magulang ng taong mahal nila, at ganon din ako. Parang gusto ko nalang atang mag-dasal ngayon na sana maganda ang mga titig nila sakin.


"Let's eat first." ang daddy niya.


Hindi ako makagalaw kaya nagawang kunin ni Vilto ang ibang pagkain at lagyan ang plato ko, panay ang tanong niya sakin habang panay lang din ang tango ko. Nakatitig ako sa mommy niya, naka-yuko lang ito at abala sa pag-kain. Sobrang tahimik nila.

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon