Hindi ako makapag-salita na tila nakakita ng multo ngayon. Tinitigan ako ni Vika, walang emosyon sa mukha niya, kaninang naka-ngiti ay nawala, pinag-masdan ang kamay naming dalawa ni Vilto na magka-hawak.
"Oh, hi." naglakad siya papunta samin, nakatitig kay Vilto. "I'm sorry, mukhang nagulat ata kita, hindi ba nasabi nila mommy na mag-babakasyon ako dito?"
Hindi parin ako nag-sasalita. Wala, walang nababanggit sila mommy tungkol sa pag-dating niya, lalo't hindi naman kami nag-uusap ng magulang ko. Hindi na rin kami madalas mag-usap ni Vika, buong akala ko abala siya kaya wala itong oras.
"W-wala silang nasabi." mahinang sagot ko. "Welcome back." pilit akong ngumiti para mawala ang pag-kakagulat.
Marahil naramdaman ni Vilto ang pag-higpit ng hawak ko. Nilipat ko ang pansin kay Vilto, nakatitig kay Vika na nag-lalakad para mas lumipat at huminto sa harapan naming dalawa.
"Para kang naka-kita ng multo." mahina itong natawa. "Well, hindi mo ba inaasahan?" nakatitig siya saming dalawa. "You look happy with my sister, huh."
Nakita ko ang pag-ngiti ni Vilto sa kaniya. "I am, I am happy with her."
Wala akong balita na uuwi siya kaya ganito nalang ang gulat ko nang maabutan siya sa bahay. Hindi maganda ang timing dahil kasama ko pa si Vilto ngayon, mukhang mali na nandito at magkaharap silang dalawa.
"You should go." humarap ako kay Vilto.
"No, you stay here. Pauwi narin ang parents namin, let's have a welcome party for me, boyfriend ka naman ng kapatid ko." pigil niya dito.
Tinignan ako ni Vilto. Napa-yuko lang ako, para kaming nag-uusap gamit lang ang pag-titig sa isa't isa. Alam kong hindi niya gusto ang sitwasyon ngayon, walang alam si Ate sa relasyon namin, even my parents. Hindi ko alam kung anong klaseng ngiti ang pinapakita ngayon ng kapatid ko.
"Marami pa siyang dapat gawin."
Hindi ito nag-salita, bigla nalang napatingin sa flowers na hawak ko. "Never mo akong binigyan ng ganitong bulaklak noon."
"Baka mas gabihin ka pa, Ihahatid na kita sa labas." hinawakan ko ang kamay niya, hindi naman din siya nag-papigil. Pareho lang kami ng reaksyon, halatang hindi inaasahan ang nang-yari.
Napansin kong sobrang tahimik siya pag-labas namin, kaming dalawa nalang ang nandito at naiwan sa loob ang kapatid ko. "Are you still affected?" tanong ko sa kaniya.
Hindi ko masisisi kung apektado parin siya. Isang taon niyang hindi nakita ang kapatid ko, at nagkaroon din sila ng relasyon bago maging kami. Normal na may maramdaman siya, at gusto kong malaman 'yun.
"No, nagulat lang ako. Akala ko kasi 3 years siya doon."
Tumango ako, naniniwala naman ako sa kaniya kaya nakahinga ako ng maluwag. "Mauna ka na, mas gagabihin ka pa niyan." ako ang kumuha ng helmet sa sasakyan niya at sinuot sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Treat me right, Architect (McMaster Series #5)
RomanceNOTE : my character isn't perfect like you, like us, they make mistakes, they cry and get hurt. She sacrificed everything for family, she gave up everything for them just to be a good daughter and she's willing to let go the only man that she loves...