CHAPTER 38

10.7K 177 14
                                    

"Bakit ngayon pa siya bumalik, bakit nag-pakita pa siya ulit?"


Naka-titig ako sa kaniya habang abala ito sa ginagawa, pareho kaming naka-sandal ni Sadie sa kotse habang pinanonood ang pag-lilibot ni Vilto, ito ang pangalawang beses naming bumalik sa land para din maka-usap si Engineer.


"Natatakot kang bumalik siya sa buhay mo?" narinig kong bulong ni Sadie.


Umiling ako. "Maayos na ako, ayaw ko na gumulo ulit ang buhay na matagal kong binuo."


Huminga ako ng malalim, si Sadie ay tipid na ngumingiti at mahagyang umiiling sakin. Hindi ko inasahan ang mga bagay, kahit nga ang pag-balik niya sa Pilipinas o pakikipag-trabaho ko sa kaniya ngayon hindi ko naisip, kahit yata sa panaginip ko hindi ko inaasahang mangyayari 'to.


"Pigilan mo, tutal doon ka naman magaling noon palang diba, ang pigilan ang nararamdaman mo."


Nag-krus ang braso ko. "At mas nangibabaw parin ang nararamdaman ko noon."


Nakikipag-usap siya ngayon sa Engineer at mukhang maganda ang pinag-uusapan nila. Gusto kong matapos na agad ang project na 'to para makabalik na siya sa Europe at wala na akong iba pang iisipin.


"Akala ko ba wala na sayo kung ano 'yung meron kayo noon kaya nga pumayag ka na siya ang kunin natin para sa project na 'to."


"Wala na." mabilis na sagot ko. "Matagal nang wala 'yun sakin."


Nag-lakad siya at humarap sakin habang nakataas ang kilay. "Wala na pala, so anong kinakatakot mo habang nandito siya? na baka maguluhan ka ulit at mahalin siya? hindi naman imposible 'yun dahil wala namang ibang lalaking dumaan sa buhay mo maliban sa kaniya, diba?"


Parang bumigat ang dibdib ko sa sinabi niya. "Hinanda ko na ang sarili ko para sa bagay na 'yun."


"Kaso hindi mo inaasahan na maaga kayong pag-lalaruan ni Destiny, tama ba?" sabi pa nito. "Malaki na ang pinag-bago mo, hindi na ikaw 'yung Rhia na kilala ko noon, madaming bagay na napag-tagumpayan mo, madaming bagay kang iniwan sa nakaraan mo sa loob ng anim na taon malay mo kasama doon si Vilto."


Hindi naman naging madali sakin ang lahat ng napag-daanan ko sa loob ng ilang taon, halos gugulin ko ang oras ko sa mga bagay na gusto ko para lang makalimutan ang mga taong nakilala ko noon, para lang maging malaya ako. Sobra akong nag-hirap at ayaw kong mabaliwala lang ang mga 'yun dahil may isang taong bumalik sa buhay ko.


Hindi ko ipag-kakaila na sa loob ng anim na taon si Vilto ang isang taong mahirap kalimutan. Pilit kong pinapamukha sa sarili ko na nakalimutan ko na siya pero tuwing may mga bagay na nag-papa-alala sakin pakiramdam ko naguguluhan ulit ang isip ko, hindi ko na hahayaan na mangyari ulit 'yun. Hinding-hindi na.


Hindi na babalik ang dating ako, matagal ko nang tinapon ang Rhia na nakilala nila, wala na 'yun, sobrang tagal nang wala.


"Kasalanan ko, dapat hindi na siya ang kinuha ko para sa project natin."


Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon