"Wait a minute. Bakit parang ikaw pa ang galit sating dalawa hindi ba ikaw ang nag-sungit sakin bigla. Ikaw 'tong sinabihan ako ng masakit na salita?" sobrang kunot ng noo ni Vilto.
"Wala ba akong karapatang magalit?" masungit na tanong ko.
Ano bang masama sa nasabi ko sa kaniya noon. Nag-sorry ako at sinabing hindi sinasadya at bigla niyang sineryoso ang lahat. Ako dapat ang magalit sa kaniya, tinatanggal niya ba ako ng karapatan? hindi naman pwedeng siya lang ang may dinadamdam dito.
"Wala." sagot niya. "Dapat ako lang. Ako 'tong nasaktan sa sinabi mo. Ako 'tong nag-mamalasakit sayo tapos bigla mo akong sinungitan. Hindi ko alam na masama pala ang maging mabait paminsan-minsan." napa-hawak siya ng ulo at umiling.
Buti nalang walang students na nakatingin samin habang para kaming batang nag-sasagutan. Hindi tulad ko inis ang mukha ko habang sa kaniya at gulong-gulo. Pasigaw akong mag-salita habang siya ay gigil na mahinahon.
"Then, thank you." sarkastikong sabi ko. "Salamat sa pag-mamalasakit mo. I really appreciate it."
Mas sumama ang timpla ng mukha niya. "You're welcome."
Nag-taas ang kilay naming dalawa. Pareho kaming nag-katitigan hanggang sa bigla akong napa-iwas dahil naramdaman ko na naging seryoso ang mga titig niya na parang may gustong sabihin sakin ngayon.
Huminga siya ng malalim. "Okay, I'm sorry. Alam ko kung saan nanggaling ang galit mo sakin. Alam kong mali akong ipilit ka kay Ramir. If you don't like him then it's okay, that's your life alam kong ayaw na ayaw mong pinapaki-alaman ng kahit sino ang mga desisyon mo. Promise, hindi ko na ulit sasabihin 'yun. Cross my heart." taas noo itong tumayo sa harapan ko, naka-taas pa ang kabilang kamay.
I sighed before I looked at him. Hindi niya ako naiintindihan, napatingin ako sa ibaba kagat ang labi ko. Umaayos ang reaksyon ng mukha ko bago ulit sya tignan, ngayon ay may tipid na ngiti sa labi niya. Hinihintay ang magiging sagot ko.
"Please, just don't do it again." bulong ko.
"I won't! I promise!" bahagyang tumaas ang boses niya, mas nadagdagan pa ang ngiti.
Wala na akong ibang naging sagot kundi ang pag-tango sa kaniya. Biglang dumating si Sadie at nag-yayang umuwi kaya nauna na kaming dalawa. Sumama ako papunta sa bahay nila, tahimik lang akong nakatitig sa laptop niya habang inuubos niya na ang pagkain namin.
"Hindi mo naman kailangang aminin dahil alam kong may nararamdaman ka parin para sa kaniya. Obvious naman. Tinanggi mo lang dahil ayaw mong mag-kasira kayo ng Ate mo. Pero halos araw-araw mong nakaka-usap si Vilto, higit na mawala ang feelings mo mas lalalamin 'yun dahil pinipigilan mo." tumabi ito sakin.
Hininto ko muna ang movie na pinapanood namin. "Of course pipigilan ko 'yun. Try to imagine this, may gusto ako sa boyfriend ng kapatid ko. It's really weird at saka alam ko naman na noon palang sinubukan kong mawala 'yun buong akala ko wala na..pero kapag nakikita ko sila..masaya ako but at the same time hindi ko magawang ngumiti."
BINABASA MO ANG
Treat me right, Architect (McMaster Series #5)
RomanceNOTE : my character isn't perfect like you, like us, they make mistakes, they cry and get hurt. She sacrificed everything for family, she gave up everything for them just to be a good daughter and she's willing to let go the only man that she loves...