"Blooming ka! bakit parang gumaganda ka nitong nag-daang araw ha?!" kanina pa hindi matigil kakatanong si Sadie sakin habang abala ako.
"Normal na 'yan."
Hinampas niya ang braso ko. "Alam ko naman na normal sayo na maganda ka pero..bakit parang nasobrahan ka ata ngayon? anong kinakain mo?!"
"Diet." tipid na sagot ko.
Naiinis siyang umupo sa tabi ko. "Siguro kung mayaman din ako gaganda ako, grabe wala kasing aircon sa bahay namin, tapos ang pag-kain puro itlog. At ito pa ang malala, hindi fresh ang air don sa lugar namin."
Natawa ako sa kaniya. "What are you talking about? look at you, ang ganda mo kaya." napangiti ako.
Kinikilig siyang ngumisi sakin. Hindi na natapos ang trabaho namin sa kaka-daldal niya. Napapansin ko din naman na mas blooming siya ngayon pero hindi ko tinatanong kung bakit dahil alam ko na kung anu-ano na naman ang isasagot niya sakin. She's good at denying.
Akala ko ay tapos na ang usapan namin nang bumalik ulit siya at ginulo ako. "So bakit ka nga blooming ngayon? anong reason mo? anong secret? share mo naman baka gumana sakin."
Hinarap ko siya, tinitigan ang mukha niya. "Sa lagay mong 'yan. Hindi na gagana mga skin routine, baka prayer, 'yun baka gumana sayo."
Pareho kaming natawa, hinampas niya ulit ng malakas ang braso ko. Halos mamula na nga 'yun sa sobrang bigat ng kamay niya. Hindi ba siya na-aawa sa braso ko, everytime nalang na magagalit, matatawa, maiinis ay ang braso ko ang favorite target niyang saktan.
Kakatapos lang ng party na pinuntahan namin. It was a reunion party, konti lang ang tao doon kaya hindi kami natagalan, nag-aayos nalang kami ng mga gamit bago umalis sa venue.
"May schedule ba tayo bukas?" tanong niya habang hinihintay namin ang binook na sasakyan.
Tinignan ko ang phone ko kung may gagawin kami sa linggo. "Wala naman, sa tuesday ang next schedule natin." sagot ko. "Bakit may gagawin ka tommorow? are you going to a date?" siningkitan ko siya ng mata.
Sumama ang tingin siya sakin. "Date agad? gusto ko kasing ilabas si tatay bukas, na-alala mo 'yung restaurant na nakwento ko sayo last time, doon ko sana dadalhin si tatay para naman makatikim siya ng mamahalin kahit minsan-minsan lang."
Wala akong ibang nagawa kundi ang mapangiti. She really loves her father, and hindi ko masisisi kung bakit tatay niya ang palaging nasa isip niya, hindi niya naman nakasama ang nanay niya ng matagal, at simula noon pa silang dalawa nalang ang magkasama sa buhay kaya ganun nalang ang pag-mamahal niya sa tatay niya.
Nilabas ko ang wallet ko, inabot ko ang kamay niya at binigay sa kaniya ang buong sahod namin ngayon.
Nag-taka siya agad. "Diba 'ito yung pera natin?"
BINABASA MO ANG
Treat me right, Architect (McMaster Series #5)
RomanceNOTE : my character isn't perfect like you, like us, they make mistakes, they cry and get hurt. She sacrificed everything for family, she gave up everything for them just to be a good daughter and she's willing to let go the only man that she loves...