"Tinutulungan ko ang ate mong ayusin ang maleta niya para wala na siyang ibang gagawin pa bukas." nakita ko agad si nanay sa loob ng silid ni Vika.
Wala siya sa kwarto niya ngayon pero nakita kong maayos ang loob ng silid niya at halatang inayos at nilinis na nito ang dapat ayusin. Ngayon ay tinutulungan nalang si nanay itong ayusin ang mga damit na dadalhin niya at pinapasok 'yun sa maleta.
"Bakit parang malungkot ang mukha mo sa pag-alis ng kapatid mo." pansin nito sakin. "Parang hindi ka sanay, dati nang naka-tira ang Ate mo sa america hindi ba."
Bumagsak ang balikat ko saka umupo sa tabi niya. Tinutulungan ko na din itong tupiin ang ibang damit ni Ate, nakayuko ako at napapansin kong nakatitig sakin si nanay at parang may gustong tanungin.
"Mukhang hindi lang ang pag-alis ng ate mo ang iniisip mo ngayon."
Umangat ang tingin ko. "How did you know?"
Binawi nito ang hawak ko at siya ang nagpasok sa maleta. "Hindi naman ikaw ang tipo ng batang sisimangot ng walang dahilan, lulungkot lang ang mukha mo kapag pakiramdam mo walang tamang sagot sa problemang kinahaharap mo, parang ngayon. Tignan mo 'yang mukha mo daig mo pa namatayan."
Humaba ang nguso ko. Syempre alam niya ang mga nasa isip ko, tignan niya palang ako nababasa niya na agad ang nasa isip ko. Ganun niya ako nakilala, lumaki ako sa kaniya kaya alam niya ang lahat sakin.
"Nay.." tila nag dadalawang isip pa ako sa sasabihin ko sa kaniya. "P-paano kung may gusto ka sa taong pagmamay-ari ng iba?"
Hindi gulat ang reaksyon niya sa tanong ko. "Sinasabi ko na nga ba tungkol na ito sa lalaki." napa-iling siya. "Masaya mag mahal ng maling tao, Rhia."
"Pero-"
"Pero mawawala ang saya sa oras na may nasisira at may nasasaktan kana dahil sa nararamdaman mo para sa taong 'yun."
Natahimik ako at hindi agad nakasagot. Pumasok sa isipan ko ang mga bagay na nagawa ko, mga salitang nasabi ko. Pero kahit saan ko tignan ako ang nasasaktan sa sitwasyon ko hindi sila, ako ang pumili sa desisyon na 'to at wala akong balak isisi ito sa iba. Ako ang nasasaktan saming tatlo at kasalanan ko 'yun.
"I'm in hurt." bumugtong hininga ako.
"May mga bagay tayong hindi napipigilan, may mga bagay taong hindi nakokontrol gaya ng nararamdam mo para sa isang tao. At kung sa huli masasaktan ka man, normal ang bagay na 'yun. Anak, walang nag mamahal na hindi nasasaktan. Sa oras na nag mahal ka ng maling tao, malaki ang sakit na kapalit nun."
Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong isipin ngayon. Pagod ang bibig kong mag salita ng kung ano-anu. Gusto ko lang makinig kay nanay, yun lang ang gusto ko ngayon.
"Kung nasasaktan kana at sinasaktan ka ng lalaking 'yun umalis ka na."
BINABASA MO ANG
Treat me right, Architect (McMaster Series #5)
RomanceNOTE : my character isn't perfect like you, like us, they make mistakes, they cry and get hurt. She sacrificed everything for family, she gave up everything for them just to be a good daughter and she's willing to let go the only man that she loves...