CHAPTER 6

9.8K 180 28
                                    

"Masarap naman ang ulam niyo araw-araw pero bakit palagi ka paring lutang?" 


Marinig ko na naman ang kontrabidang boses ni Sadie sa tabi ko. Naka-dapa siya ngayon sa damo habang hawak ang camera ko. Bakit niya hawak ang camera ko meron naman siyang sarili, mabilis kong binawi sa kaniya 'yun. 


"I'm just not in the mood." 


"Sus, ang sabihin mo wala ka sa mood gawin ang project natin kasi abala ka sa pag-titig sa boyfriend ng kapatid mo." 


Mabilis na gumalaw ang kamay ko para takpan ang bibig niya. Bakit ang ingay niya, tumingin ako sa paligid buti nalang walang tao. Alam niya bang ang chismosa ng mga student dito tapos 'yun pa ang sasabihin niya. and I'm not looking at him!


"Shut your fucking mouth." nairita ako. "Hindi ko siya tinitigan 'yung isang guy yung tinititigan ko!" 


Nagpakita siya sakin ng mukha na hindi naniniwala. "At kailan ka pa naging interesado sa isang lalaki maliban kay Vilto, aber?"


Inalis ko ang tingin sa field kung saan nandoon ang teammates niya. Ano bang nakain niya at kung ano-ano nalang ang sinasabi. I'm telling the truth doon ako sa..sa coach! sa coach nila nakatingin hindi kay Vilto!


"Bakit bawal ba akong maging interesado sa isang lalaki?" tanong ko.


Umiling siya. "Kung ako sayo hindi ako mag-papahalata ng masyado baka mamaya ang ate mo na ang makapansin sayo...hala ka." 


Alam kong mabigat ang camera ko kaya mahina kong hinampas sa kaniya 'yun. "Alam mo para matahimik ka ililibre nalang kita ng pagkain kahit anong gusto mo." 


Sobrang bilis ng pag-tayo siya parang isang kindat ko lang ay naka-tayo na ito sa harapan ko.


"Bakit hindi mo agad sinabi 'yan." inaayos niya na ang bag. "Tumayo kana."


Hindi ako makapaniwala sa inasta niya. Basta talaga pag-kain doon lang siya tatahimik, mauubusan ako ng pera dahil kay Sadie. "Minsan nga nipisan mo ang mukha mo sobrang kapal." 


"Hello! sino bang hindi kakapal ang mukha pag-dating sa pagkain." 


Umiling ako at tumayo na, pinag-pagan mo ang pants ko. "Pinanganak ka na atang may semento sa mukha sa sobrang tigas." 


Naglalakad kami. Napa-daan kami kung saan nag-uusap sila Vilto pati ang ibang lalaki. Naka-tanaw ako habang si Sadie ay abala sa pag-tingin sa camera. Pag-lingon niya ay agad itong ngumiti sakin, naka-akbay pa ang isang lalaki sa balikat niya habang kumakaway siya sakin.


"Kumakaway 'yung future brother in law mo." huminto si Sadie. 


Agad na sumimangot ang mukha ko at nauwi kami sa habulan ng tumkabo siya. Ang sarap niya talagang sampasin ng hollow blocks sa face ng isang daang beses.

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon