CHAPTER 5

10.2K 188 19
                                    

"Kung sapakin kaya kita sa utak?" inakmaan ko ang pinsan ko. "I forgot wala ka nga pala non." 


Sarkastiko siyang tumawa saka tinuloy ang malakas na hampas sa braso ko. 


"I need to go baka mamatay tuluyan pa akong mawalan ng utak dahil sayo." hindi pa ako nakaka-recover sa malakas na hampas niya ng iwanan niya akong mag-isa sa gym.


Hindi na ako makakaganti dahil wala na siya sa paningin ko. Gaya nang dati kong gawi kapag may ibang boys na papasok sa gym ay hindi na ako nag-istay at nauunang lumabas. Hindi ko maintindihan ang University na 'to bakit hindi nalang sila mag-pagawa ng gym na for girls only, nakaka-sawang makakita ng lalaki everyday.


Maaga akong dumating sa MusicFlotStudio tutal maaga ding natapos ang klase ko. Wala masyadong tao sa loob at hindi pwedeng mag-ingay dahil may ibang student na mukhang nag-rerelax. Alam ba nilang music building dito hindi bahay?


Pumunta ako kung saan wala masyadong student. Pumuwesto ako sa gilid at para bang nag-tatago, binaba ko ang bag saka nilabas ang violin. I love playing intruments pero mas nahilig lang talaga akong humawak ng violin kahit noong bata pa ako. It makes me happy everytime na naririnig ko 'yun. Minsan kapag hindi ako nakakatulog palaging ito ang hawak ko hanggang sa makatulog ako.


Naka-sandal ako sa malaking wall habang naka-pikit ang mga mata, sinisimulan kong galawin ang violin. Namulat lang ako nang marinig ang mahinang tawag sa pangalan ko, noong una ay sinusuban ko pang hanapin ang tunog na 'yun hanggang sa nakita kong naka-tayo si Vilto hindi kalayuan.


Parang tamad na tamad siyang buhatin ang bag. Nakangiti siyang kumaway sakin, nag-taas ang kilay ko, mukhang nag-lalakad siya papunta dito.


"Mamayang gabi ang gig niyo diba?" agad na tanong ko pag-dating siya.


Tinabi niya ang bag niya sa bag ko saka umupo din at tumango. "Yes, free ka tonight?" 


Ngumuso ako napa-isip. Wala naman akong gagawin ngayong gabi, for sure magbababad lang ako kaka-edit sa mga pictures at vidoes na ginawa ko. In short free ako.


"Pupunta ako." 


Nakahinga siya ng maluwag. "As you should, three times ka ng absent sa mga gig ko." nag-tatampong sabi niya. "Nag-gagalit na ang kuya mo." 


Parang gusto kong takpan ang tenga ko nang sabihin niya na naman 'yun. Alam niya naman na ayaw kong naririnig 'yun, kinaiinis ko talaga kapag umaasta siyang parang mas matanda pero mas matured naman ako kung umasta kaysa sa kaniya. 


"By the way.."lumapit siya. "Hindi nag-rereply si Vika sa mga message ko pwedeng isama mo siya sa gig tonight? for sure gusto niya baka may ginagawa lang siya kanina kaya hindi sinasagot ang messages ko." 


Kinamot ko ang batok ko bago tumango sa kaniya. "For sure 'yun! sige, after dinner isasama ko siya sa gig niyo mamaya. I got you." tinapik ko ang balikat niya.


Never naman talaga akong umabsent sa mga gig niya. Pero naging busy ako kaya hindi ako medyo naging active. Kahit na tumigil na siya sa mag-hawak ng drums ay kumakanta parin siya. Hinihintay ko lang naman siyang bumalik sa pagda-drum niya, Alam kong libangan niya ang bagay na 'yun.

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon