CHAPTER 29

8.9K 153 12
                                    


Sa ilang buwan naming pabalik-balik ay ito palang ata ang unang beses na pumunta kami dito sa bahay nang hindi gabi. Pareho kasi kaming hindi abala ngayon kaya naisipan naming pumunta dito.


Bumili kami ng table para ilagay dito sa labas, para may mapag-kakainan kami kapag gusto namin mag-pahangin. Maganda din kasing titignan ang mga bulaklak dito sa likod ng bahay. Pabalik-balik siya sa loob dahil nilalabas ang ibang pagkain habang may sarili akong mundong kinukuhanan ang ibang bulaklak.


Nagulat pa ako nang malaman na siya talaga ang nag-aalaga ng mga halaman dito sa bahay. Nakakagulat lang wala kasi sa ugali niya na mag karoon ng oras para mag-alaga ng halaman, sa itsura niya, saka madalas din siyang abala noon. Saka sagana sa dilig ang mga 'to, nakaka-inggit.


"Mahal?" he called me.


"Yes?"


"Let's eat first, hindi naman aalis 'yang mga bulaklak."


Natawa ako, malapit narin akong matapos. "Wait, malapit na akong matapos, hindi naman din aalis 'yang pag-kain diba."


Hindi ko narinig ang pag-sagot niya. Pinapantayan ako ang mga halaman, napapangiti ako nang makita sobrang ganda ng mga kuha ko sa kanila, may pwede na ulit akong idisplay dito sa bahay. Napuno ata ng picture namin at mga iba pang kuha ko ang pader ng bahay na 'to.


"I'm getting jealous!" napatili ako ng bigla niya akong buhatin. "Sakin muna siya, okay?" para siyang tanga at kinakausap ang mga bulaklak.


"Okay, okay, ibaba mo na ako!" reklamo ko. "Sino namang tanga ang mag-seselos sa mga bulaklak?"


"Me!" sagot niya. "Kapag nandito tayo palaging sila ang kumukuha ng atensyon mo, kung hindi naman sila ibang bagay. Ayaw mo bang kuhanan ng litrato ang boyfriend mo? hindi na ba ako gwapo sa mga mata mo."


Naglakad ako papunta sa table habang natatawa. "Gwapo parin, kaso puro pictures mo nalang ang nasa camera ko, nakakasawa."


"What did you say?" nakatalikod siya dahil nag-iihaw ng barbeque, humahaba ang ngusong lumingon sakin.


"Ang sabi ko gwapo ka parin."


"No! 'yung last part."


Naglakad ako papunta sa kanya, kinuha ang bagong init na barbeque. "Huwag na masasaktan ka lang kapag sinabi ko 'yung last part."


Napa-ubo ako dahil nilakasan niya ang pag-paypay at napunta sakin ang mga usok. Ako naman ay umiiwas dahil hindi ako makakita habang panay ang tawa niya at halatang sinasadya 'yun.


Kinuha ko ang isang pamaypay at pinag-hahampas ang likod niya. Wala siyang ginawa kundi ang pag-tawanan ako. Minsan lang kami nagkakaroon ng oras sa isa't isa, madalas siyang abala ganun din ako. Pero pareho naman naming naiintindihan ang isa't isa, may mga bagay parin kaming dapat asikasuhin.

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon