CHAPTER 24

9.4K 171 8
                                    


Nauna siyang pumasok sa kwarto ko habang sinara ko ang pinto, nag-lakad siya papunta sa kama at doon naupo, pinagmamasdan ang buong silid ko.


Pareho kaming tahimik na dalawa. Hindi parin nag-sisink sa utak ko ang sinabi niya. Napapa-isip parin ako kung sinadya niya bang sabihin 'yun o baliwala lang sa kaniya, habang papunta kami sa silid ko kanina ay daig pa namin ang pipi dahil sa pagiging tahimik.


"Your room is..pretty..cool." nauutal na sabi niya, halatang wala ibang masabi.


Nakatayo parin ako ngumiti ng tipid sa papuri niya. Kinagat ko ang labi ko dahil sa kaba, wala din akong masabi. Hindi ako kumportable pero ayaw ko naman siyang itulak papa-alis ng kwarto ko.


"I should go now." mabilis itong tumayo.


"Agad?" hindi ako makapaniwala sa tanong ko, parang kanina lang gusto ko siyang pa-aalisin.


Napahinto siya sa harap ko. "Hindi ka kumportable na nandito ako sa kwarto mo kaya mas maganda kung aalis na ako."


Parang sumimangot ako at nalungkot na aalis na siya. Ano ba talagang gusto ko? kanina pinapa-alis ko na siya sa isip ko ngayon naman ayaw kong paalisin?


Natahimik ako, nag-lalakad na siya papunta sa pintuan ng humarap ako at kunin ang kamay niya para bumalik siya. Naka-taas ang kilay niyang nag-tataka sa ginawa ko, ako naman ay biglang nahiya, hindi ko din alam kung bakit ko ginawa 'yun.


"You don't want me to go?" ngumisi siya.


"Mamaya na." mahihiyang sabi ko.


Tumagal ang ngiti sa labi niya bago bumalik sa kama, nakatitig parin sakin hanggang ngayon. Nahihiya na ako sa inaasal ko pabago-bago nalang ang iniisip ko ngayon! hindi ko alam kung saan ako uupo kahit ang laki ng pwesto ng silid ko, malaki ang kama at nasa kabilang side siya.


Ngayon ay pareho kaming naka-upo sa kama, magkatabi.


"Yung sinabi mo kanina na-"


"That I'm falling for you." mabilis na pag-putol niya.


Namula ulit ang pisngi ko kaya hindi ko magawang titigan siya ngayon. "Yes, what do you mean by that?"


Puro nonsense ang mga tanong ko pero wala naman sigurong masama kung makakasigurado ako. Mahirap na, ayaw ko na ulit umasa sa mga bagay na sinasabi sakin ng mga tao.


"May iba pa bang ibig-sabihin sayo ang salitang 'yun?"


"Ayoko ng umasa ulit sa wala, Vilto." pag-amin ko dito.


Muli siyang naging seryoso ngayon. "Wala na akong balak saktan ka ulit."


He's too honest and straightforward. Sasabihin niya ang bagay na gusto niya at magiging totoo siya, madaming bagay na maganda sa pagkatao siya pero isa 'yun sa mga paborito ko. Kaya madalas akong nasasaktan dahil sa bawat tanong ko alam kong totoong sagot ang sasabihin niya sakin.

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon