Kabang-kaba ako habang pabalik kami sa party. Nakalimutan ko na nandito ako para sa trabaho hindi para sa ganito. Inaayos ko ang buhok ko bago humarap kay Vilto, nasa unahan siya at nag-lalakad.
"Saan kaba nag puntahang babae ka?" napa-ngiwi ako ng hawakan niya ang braso ko. "Anong nangyari sa braso mo?"
Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya doon. Tinaasan niya ako ng kilay at hinihintay ang sagot ko, napansin din nito na nasa likuran ko si Vilto kaya sinamaan niya ito ng tingin na parang nag hahamon.
"Anong ginawa mo sa kaibigan ko?"
Nagulat ako sa masungit na tanong ni Sadie habang si Vilto ay nakatunganga at nag-tataka. Nakaramdam ako ng hiya sa tanong ni Sadie, naka-tayo ito ng tuwid at nakaharap kay Vilto.
"Sinaktan mo ba siya?"
"No.." napalunok ito.
Parang gusto kong kurutin si Sadie. "Stop being so fucking rude, he didn't hurt me..actually tinulungan niya pa ako." bulong ko.
Hindi naniniwala siyang tumitig sakin. "Anong hindi sinaktan, wala namang ibang alam ang lalaking 'to kundi saktan ka-"
I covered her mouth. "Let's go. Nandito tayo para mag-trabaho, mas unahin natin 'yun." hinila ko siya habang masama parin ang tingin nito.
"Ako dapat ang mag-sabi sayo niyan dahil ikaw ang nang-iwan dito. Kanina pa ako hanap ng hanap sayo akala ko naki-party ka narin sa mga richkid na 'yan. Tapos nandon ka lang pala, humaharot higit na mag-trabaho."
Hinampas ko ang braso niya. "I'm not flirting with him! pumunta lang kami sa labas dahil nga tinulungan niya ako."
"Bakit sa labas pa?"
"Alangan namang dito."
Akma niya akong hahampasin sa braso pero agad kong iniwas 'yun dahil masakit parin. "Tinulungan? pero parehong namumula ang labi. Paki-kwento kung paanong tulong ang binigay niya sayo? lips to lips ba?"
Tila nalaglag ang panga ko at namula. "Namumula?" marahan kong hinawakan ang ibabang labi ko. "Hindi naman, hindi namumula. S-saka..ikaw nga 'tong naka-tingin lang diyan kay Vhenn."
Nagulat siya. "Hindi kaya! saka huwag mo ngang ibahin ang topic natin. Abuso ka masyado diyan, at hindi ako nakatingin sa kaniya!"
"Okay." 'yun nalang ang naging sagot ko para hindi na humaba pa ang usapan at para hindi narin ito mag-tanong ng kung anu-ano sakin. "Let's back to work."
Bumalik kami sa kaniya-kaniyang pwesto. Naiinis akong tignan na kay Vhenn lang naka-tutok ang camera niya buong oras. It's too obvious naman na she's still into that guy, abala siya at abala ako. Mas dumami pa ang mga tao sa party after ng ilang oras.
Pumunta ako sa pool, I regret it. Halos mabasa ang damit ko dahil sa mga pagtalon nila. I hate pool party, pero 'yun ang madalas kaming gawin nila Khiara before dahil wala akong choice. Pinunasan ko ang camera ko, ang sarap nilang sipain. But I need to be patient with them.
BINABASA MO ANG
Treat me right, Architect (McMaster Series #5)
RomanceNOTE : my character isn't perfect like you, like us, they make mistakes, they cry and get hurt. She sacrificed everything for family, she gave up everything for them just to be a good daughter and she's willing to let go the only man that she loves...