"Syempre papayag ka, marupok ka diba," natatawang umupo si Sadie sa sofa.
I shook my head. "No, sinabi kong huwag niya nang subukan, saka gusto kong pag-isipan 'yun."
Nagulat ako sa naging reaksyon niya. "Ano?! pag-iisipan mo pa," tila may galit ito sakin. "Ikaw na nga 'tong gustong balikan after nang lahat ng pananakit mo tapos pag-hihintayin mo pa 'yung tao."
Sinamaan ko siya ng tingin dahil parang ako ang masama sa mga mata niya dahil lang hindi agad ako pumayag sa gusto ni Vilto. Hindi naman ganun kadali ang gusto niya kaya hindi agad ako naka-sagot at dapat ko lang talagang pag-isipan 'yun.
"Hindi naman kasinglambot ng unan ang puso ko para maging marupok agad no, saka..hindi ako sure, ayaw kong pumayag kung hindi ako sigurado at siguro naman may karapatan akong tumanggi if ayaw ko."
Napa-hawak siya ng ulo at tila mas pinoproblema pa ang buhay ko. "Alam mo ba 50 percent lang sa mundo ang nag-tatagumpay na makipag-balikan sa ex nila malay mo masali ka sa 50 percent na 'yun, sayang naman kung hindi mo susubukan."
Mas sumama pa ang tingin ko sa kaniya, feeling ko tinutulak at tinatakot niya ako. "At 50 percent din sa mga nag-babalikan ang hindi nag-wowork, kaya mas sayang 'yung oras ko kung susubukan ko at hindi naman din ulit gagana."
"Paano mo malalaman, ayaw mo ngang subukan."
Subukan? ulit? Umiling ako habang iniisip ang salitang 'yun. Susubukan ko na naman ang mga bagay na hindi ako sigurado? sawa na ako at matagal na akong tapos sa ganun, mas gusto kong pasukin ang pintong alam kong magiging masaya ako kaysa sa pintong pag-sisisihan ko sa huli.
"Maayos na ang buhay na binuo ko, Sadie."
Tumayo siya at nag-lakad papunta sakin. "At sa tingin mo guguluhin ni Vilto 'yun? sa palagay mo siya ang gugulo ng buhay mo."
Natahimik ako at nagbikit-balikat lang. "Who knows, nasanay na ako sa buhay ko, 'yung payapa, tahimik at walang ibang ini-isip. Alam mong natatakot akong bumalik sa dati diba, alam mong ayaw ko na bumalik sa dati."
"Matagal nang tapos ang pag-hihirap mo, ilang taon na rin naman hanggang ngayon ba binabalikan mo parin 'yung mga panahon na 'yun," nag-aalalang saad niya. "Ano namang bagay o sino namang tao ang pipigil sa inyong dalawa sa pag-kakataon na 'to?"
After years, naging maayos ako. Bumalik siya at ngayong sinabi niyang gusto niyang bumalik ako sa kaniya, bigla akong naguluhan sa nararamdaman ko para sa kaniya. Matagal ko na siyang kinalimutan, matagal ko nang binaon kung ano man 'yung ala-ala na meron kami, alam ko sa sarili kong wala na ang pag-mamahal ko sa kaniya, at ngayon. Bumalik siya para saan? para guluhin ulit ang utak at buhay ko?
"Ayaw kong mangyari ulit ang mangyari samin noon."
"Sino namang sisira sa inyo ngayon?"
"Ako," mahinang sagot ko. "Natatakot akong sirain ko ulit ang buhay namin gaya ng pag-sira ko sa kaniya noon."
BINABASA MO ANG
Treat me right, Architect (McMaster Series #5)
RomanceNOTE : my character isn't perfect like you, like us, they make mistakes, they cry and get hurt. She sacrificed everything for family, she gave up everything for them just to be a good daughter and she's willing to let go the only man that she loves...