CHAPTER 12

8.7K 192 18
                                    

Hindi ko namalayan ang pag-tunog ng alarm ng phone ko. Nagulat pa ako dahil masyadong nakaka-bingi. Gulo ang buhok kong pinatay 'yun. Nasa tabi ko si Sadie, nag-over night siya sa house, nasa Mindanao ngayon si daddy kasama ang tatay niya.


Gumising kami at sabay na bumaba, naka ready na ang breakfast at mukhang nauna na ding umalis ang kapatid ko. Kaming dalawa ang nag-uusap sa dining.


"Hindi ka ba nalulungkot kapag mag-isa ka lang kumain dito?" kagat kagat ni Sadie ang bacon at nagawa pang ipatong ang paa sa upuan. 


"Minsan." sagot ko, nasanay na rin ako dahil hindi ako madalas sumabay sa pamilya ko, sa tuwing sasabay ako ay lagi akong na-out of place sa mga topic nila kaya mas pinili kong kumain mag-isa. 


"Malungkot pala ang buhay ng mayayaman." 


Mukhang kulang pa ang pagkain niya kaya inabot ko sa kaniya ang pagkain ko. "Sila ang mayaman, hindi ako." 


"Ang humble mo naman po." halatang mapang-inis ang boses niya. "Kahit na. Pamilya mo din naman sila, sa bagay taga-gastos ka lang naman ng pera ng magulang mo, inshort wala kang ambag."


Sumimagot ako at binawi ang pagkain ko sa kaniya. "Umuwi ka na nga sa inyo, ikaw na nga 'tong pinapalamon ikaw pa 'tong masakit mag-salita." 


Natawa siya at nag peace sign sakin. "Alam mo naisip ko paano ang next step natin after college? ilang months nalang kasi. Si tatay naman, gusto business ang gawin ko alam mo naman ang tatay ko mukhang pera. Pero gusto ko naman din ipag-patuloy 'tong pinag-hirapan ko, ang gulo talaga kapag hindi kayo pareho ng gusto ng tatay mo." 


Ilang months nalang. Bakit parang ang bilis ng panahon ngayon? parang noon lang nasa 1st year ako. Sa totoo wala pa akong alam sa susunod kong gagawin. Ang dami kasing bagay ang nasa isip ko at hindi ko alam kung tama ba ang mga 'yun o baka sa huli pag-sisihan ko lang ang desisyon na 'yun. 


"Kapag ako talaga yumaman hindi ko ililibre ng kahit isang boteng alak ang tatay ko." 


Katabi ko ngayon si Vilto. Akala ko ay sasali siya sa training nila pero masama daw ang pakiramdam niya ngayon, pero mukha namang hindi masama ang pakiramdaman niya parang wala lang siya sa mood.


"We had a fight last night." biglang sabi niya. 


Ako naman ay natigil sa pag-inom at nilingon siya. "About what?" 


"A lot." huminga siya ng malalim. "It was my fault. Sabi ko naman sa kaniya na iintindihin ko ang sitwasyon niya pero heto parin ako, nanghihingi ng oras niya." 


Parang hindi ko matitigan ang ekpresyon ng mukha niya ngayon. Hindi man lang siya maka-ngiti. Gusto kong pagaanin ang nararamdaman niya pero ayaw ko naman gawin 'yun sa kasinungalingan. Alam ko na mahirap ang sitwasyon nila ngayon, pareho silang hindi nagkakaintindihan at ayaw kong makisali pa sa kanila. 


"Tigilan mo ang pag-hingi ng oras niya. Hindi mo dapat ginagawa 'yun, kung gusto niya ibibigay niya ang bagay na 'yun sayo kahit hindi mo hilingin."

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon