"I'm glad you're safe." nagulat ako nang makita si Ramir na nasa loob ng bahay.
Nakita ko agad ang nag-aalalang reaksyon ni nanay sakin nang pag-masdan ako. Mabilis siyang tumakbo papunta sakin, tinitignan ang katawan ko kung may sugat o nasaktan ako.
"I'm sorry." napatingin ako sa sahig sa sobrang hiya.
Niyakap ako nito ng mahigpit saka tumingin kay Vilto na nasa likuran, kasabay kong umuwi sa bahay.
"Are you okay, Rhia?" lumapit sakin si Ramir para mag tanong.
"She's fine." sagot ni Vilto.
Ngumiti ako kay Ramir na nakatitig kay Vilto. Gumihit ang tipid na ngiti sa kaniya, hindi ko alam ang sasabihin dahil naka-abala ako ng tao dahil lang sa walang kwentang drama ko sa buhay. Iniiwasan kong maging pabigat sa mga tao sa paligid ko.
"Thank you." tumingin ako sa likod para harapin si Vilto.
He smiled, tumango din ito ng tipid. "It's getting late we need to go."
Napa-tango nalang ako.
Si nanay ang nag-hatid sa kanila sa labas. Habang naiwanan akong mag-isa sa living room. Nakatitig sa kabuohan ng bahay. Sobrang tahimik na tila walang nakatirang pamilya, iniisip ko parin na matatawag ko parin bang bahay ang lugar na 'to kung pakiramdam ko sarili ko lang ang nakakasama ko.
"Bahay ko parin 'to, dito parin ako nakatira." sabi ko sa sarili ko bago tumayo at pumasok na sa silid ko.
Madalas kaming mag-kita ni Sadie. Nag-uusap ng kung anu-ano, hanggang sa maubusan kami ng topic. Nag-uumpisa na siyang gawin ang mga plano niya habang ako pakiramdam ko nahuhuli ako sa kaniya.
"Sana manalo ang pictures ko doon sa sinalihan kong competion para naman may pambili ako ng bagong sapatos ni tatay, panay kasi pag-kain ang binibili niya kapag sumasahod siya."
Minsan nakakaramdam ako ng inggit sa kaniya. Hindi man siya ganun kalapit sa tatay niya alam ko naman na wala siyang alam isipin kung ano ang ikakabuti ng tatay niya. Ginagawa niya ang lahat para mapasaya ito.
"Such a good daughter." mahina akong tumawa.
"Mabait ka namang anak nasa maling magulang ka lang talaga napunta."
Natigilan ako. Kahit minsan ay hindi ko inisip na kung hindi sila ang naging magulang ko siguro hindi ako magiging ganito. I know na hindi sila naging perfect parents to me but never kong hiniling na sana hindi sila ang magulang na napunta sakin, iniiwasan kong maramdaman 'yun.
"Kung nakikita lang nila ang lahat ng ginagawa mo for sure magiging proud sila sayo. Kaya huwag kang mapapagod na pinakita sa kanila 'yun, one day magigising nalang sila na sila ang pinaka maswerteng magulang dahil naging anak ka nila."
BINABASA MO ANG
Treat me right, Architect (McMaster Series #5)
RomanceNOTE : my character isn't perfect like you, like us, they make mistakes, they cry and get hurt. She sacrificed everything for family, she gave up everything for them just to be a good daughter and she's willing to let go the only man that she loves...