CHAPTER 15

9.6K 164 30
                                    

Until now hindi ko parin magawang alisin sa isip ko ang gusto pag-alis ni Vika. Hindi ko naman problema 'yun pero hindi mapigilan ng utak kong mag-isip nang kung ano-anu.


"Bakit parang ang tahimik mo today." narinig ko ang boses ni Vilto. "What happened?" 


Nasa tapat ko lang siya, naka-upo siya hawak ang stick at kanina pa nag papractice ng drum habang hindi parin ako nag-sisimulang mag piano. Nang magkatitigan kami ay umiling ako sa kaniya at tinuon nalang ang pansin sa ibang bagay. 


Mahina ang pag-gagalaw pag-tugtog niya at halagang pinaglalaruan lang 'yun. Mukhang hindi parin nasasabi ni Vika ang tungkol doon. Dapat hindi ko na pinapaki-alaman ang desisyon ng kapatid ko. Nasa tamang edad at pag-iisip siya alam kong kaya niyang panindigan ang mga desisyon niya. 


Hindi ako makapag-focus at mukhang napansin niya 'yun. Huminga lang ako ng malalim at pilit inaalis ang inis. Pumunta ako dito para libangin ang sarili ko pero malabong mangyari 'yun kapag nasa tabi ko si Vilto. 


"Hey." lumingon ako at nakita ko siyang nakatitig. "What's our problem?" 


Kanina pa ako umiling at mukhang hindi niya maintindihan. "I'm okay." 


Sumimangot ito. "Rhia, siguro nga hindi ko ayang ayusin ang problema mo but I can still listen. So stop hiding it, talk to me. Papakinggan kita." 


"Wala nga." umiwas ako ng tingin. "Saka kaya ko namang ayusin 'yun." 


Nang tumingin ako ay nakita ko siyang napapa-iling. "Bakit ba ang hilig mong umasta na parang ikaw ang pinakamalakas sa mundo?"


Natigal ako bigla. Kahit pa sabihin ko sa kaniya 'yun napakalabong maayos niya. Paano ko sasabihin ang problema na meron ako kung siya mismo ang problema ko. Kahit ako hindi kayang ayusin ang bagay na 'yun kaya malabong makaya ng ibang tao, lalo na ni Vilto. 


Madalas ay pinipilit ko ang sariling hindi siya makita. Pero nasa isang University lang kami at madalas pang mag-kasabay, naiisip ko lang ang ibang bagay. Paano kung hindi ko siya makita baka mawala ang feelings ko. Kasi ang sabi nila minsan gusto mo lang ang isang tao dahil palagi silang nasa tabi mo at kapag dumating ang oras na palagi na silang wala kusang mawawala ang nararamdaman mo para sa taong 'yun. Sinusubukan ko, pero hindi ko naman siya kayang pa-aalis at sabihin ayaw ko siya maka-usap, ayaw kong mag-sinungaling sa sarili ko. 


"Aalis kana agad?" mabilis siyang tumayo at nag-taka. "Kakadating ko lang tapos mang-iiwan ka." 


Kinuha ko ang bag ko. "Tumawag lang si Sadie. Saka magandang mag-practice kang mag-isa para hindi ka naiistorbo." sabi ko. "I have to go."


May gusto pa siyang sabihin pero agad akong nag-lakad ng mabilis para hindi na marinig 'yun. Parang ang rude naman ng ginawa ko? parang nag-sisi ako. Pero ayaw ko nang bumalik ulit sa loob. Tuluyan nalang akong umalis at maagang pumasok sa susunod na klase namin. 


"Alam mo feeling ko hindi talaga mahal ng kapatid mo 'yang si Vilto." mabilis na kinain ni Sadie ang order ko. 

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon