CHAPTER 19

8.8K 184 44
                                    


Ngayon ang araw ng Graduation namin. Finally, goodbye college.


Nahuli ako nang dating dahil kailangan ko pang hintayin sila mommy but sa huli si nanay nalang ang sumama sakin. Gaya ng dati, never silang umattend sa kahit anong celebration na about sakin. For sure kung si Vika 'to hindi nila hahayaang ma-late.


Sinalubong lang ako ni Sadie na kasama ang tatay niya. Nag-tabi kami sa upuan. Dapat masaya akong sa araw na 'to pero daig ko pa namatayan sa pag-kakasimangot. 


"Anak, ngumiti ka naman. Tignan mo ang ibang mga kasamahan mo masasaya." she fixed my hair. 


I tried to smile for her. Bakit hindi pa ako nasanay sa kanila pag-dating sa bunso nila palagi silang busy but when it comes to Vika, lahat ng schedule nila i-cacancel sila para lang makapunta. Both of my parents are now in Baguio.


Naging normal na araw lang sakin 'yun. Tamad akong umuwi sa bahay, hindi ko nalang pinakita kay nanay na malungkot ako. Kahit paano ay gusto kong makita niyang masaya ako na siya ang sumama sakin. She even cooked for me and sabay din kaming kumain na dalawa.


"Basta, walang pag-babago sa plano namin sabay tayong mag-papatayo ng sarili nating kumpanya gaya nang napag-usapan natin." natawa ako sa sinabi ni Sadie.


Matagal na naming pinag-uusapan ang bagay na 'yun. At hindi naman nag-babago ang isip ko na gusto ko siyang kasama once na nagawa ko na ang gusto ko. But now, hindi ko pa alam kung saan ako mag-uumpisa. Wala akong plano, akala ko noon maganda ang mga bagay na biglaan pero may mga bagay din palang dapat pinag-hahandaan. 


"Sandali, saan galing 'yang bagong camera mo?"


"Graduation gift ni Vika for me." 


Hindi kami madalas mag-usap dahil alam ko ding abala siya doon sa America pero kapag may oras ay palagi siyang nag memessage sakin. Mukha naman maayos siya doon, madalas siyang makausap ni mommy kaysa sakin.


"About pala kay Vilto.."


Speaking of Vilto. Tumayo ako at umalis sa kama, kinuha ko ang nakahandang damit at papasok sa shower. Nakita ko ang naiinis na mukha ni Sadie ng mahalata siyang umiiwas ako sa kahit anong usapan na tungkol kay Vilto.


"Stop talking about him, please?" 


"Paano kapag ayaw ko?" maloko siyang ngumiti.


"Then get the fuck out of my room!" malakas na sigaw ko bago isara ang pinto at narinig ko pa ang malakas na tawa niya.


Napansin ko na simula nang umalis ang kapatid ko papuntang America ay hindi ko narin nakikita madalas sila mommy, hindi na sila madalas umuuwi ng bahay. Kung uuwi man sila ay malabong maabutan ko, o umaalis din sila kinabukasan. I don't know kung busy lang ba talaga sila o ayaw lang nila na ako ang nakikita sa bahay.


[I'm busy.] sabi ni mommy sa tawag.


Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon