CHAPTER 2

13K 240 6
                                    


"Hindi ka na naman ba sasabay sa pag-kain?" naka-bukas ang door ng room ko at pumasok ni nanay. Matagal na si nanay dito, siya pa nga ang nag-palaki kay daddy at hanggang ngayon nag-tatrabaho parin siya sa pamilya namin at inaalagaan ako.


"I'm not hungry."


Sinarado niya ang pinto saka binitawan ang hawak sa maliit na sofa sa room ko. Umupo ito sa kama at tumabi sakin. Pinapanood niya ang ginagawa ko, totoong hindi pa ako gutom at walang ganang kumain kaya hindi ako sasabay sa kanila.


"Ang pag-kain ng sabay-sabay ang dapat ginagawa ng isang pamilya." sabi niya pa.


Huminto muna ako sa ginagawa ko. "Nay, hindi ko naman puwedeng pilitin ang tiyan ko na magutom diba? saka ano bang pinag-kaiba na kasabay nila ako sa hindi? wala naman. May tatapusin pa ako kaya hindi ako sasabay." 


Huminga siya ng malalim. "Minsan ka na nga lang makipag-usap sa mommy at daddy mo hindi mo pa kinukuha ang pag-kakataon." 


"Wala naman din akong sasabihin sa kanila." I reasoned. 


"Nak, hindi mo lang naman dapat kinakausap ang magulang mo kapag may sasabihin ka lang o may gusto ka." 


I sighed. Never akong nanalo kapag si nanay ang nakikipag-usap sakin. Palagi niya akong napipilit na gawin 'yun. Alam niya naman na ayaw kong pinipilit ako sa mga bagay na hindi ko gustong gawin. Saka bakit ba kailangan ko pang sumabay sa pagkain? hindi naman sila mamatay kapag hindi ako kasabay. 


"Okay fine! panalo ka na." I closed my laptop. "Ito na nga po, tatayo na ako at kakain kasabay sila." naka-taas ang kamay kong parang sumusuko habang naka-ngiti itong pinagmamasdan ako.


"Bilisan mo na. Pinag-luto kita ng paborito mong ulam baka mamaya ubusan ka ng daddy mo." 


Nanlaki ang mata ko ng marinig ang sinabi niya. Mas mabilis pa ako sa kabayong tumakbo pababa sa hagdan. Na-aamoy ko nga ang pagkain. Halatang luto ni nanay Esme 'yun.


Maagang natapos ang klase namin kaya pumunta ako sa gym building para mag-break muna. Wala naman din akong ibang gagawin, sinulit ko na habang nag-iisa lang ako sa gym. I tried to invite zhep but she's busy. Alam kong nag-kukunwaring busy lang siya, bukod sa pag-papainit ng ulo ng parents niya wala naman na siyang ibang ginagawa.


Binitawan ko ang dumbbells at tumayo para kunin ang towel ko. I checked my phone, malayo pa bago mag-start ang susunod na klase namin mukhang dito muna ako mag-istay saglit. Umupo ako hawak ang phone ko at umiinom. 


I saw my sister's post. Pareho silang nakangiti habang naka-halik sa noo niya si Vilto, mukhang nasa car sila. Three hours ago lang 'yun. I smiled when I saw her smilling.


Nabasag ang katahimikan sa loob ng bumukas ang pinto at dumating ang ibang boys. Napa-irap agad ako at mabilis na tumayo para kunin ang bag ko. 


"Hey, aalis kana?" naka-titig ang apat sakin. 


Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon