CHAPTER 10

10.2K 192 4
                                    

Nakaupo ako at pinapanood ang practice nila. Hindi ko kasama ngayon si Sadie dahil mukhang nakalimutan niyang gumising ng maaga at hindi na pumasok. 


Practice lang nila ngayon kaya sobrang kalma niya. Wala masyadong nanonood, parang hindi ko kayang tignan kapag aksidenteng natatamaan ang mukha niya. Ganon ba talaga ang sport na 'to kulang nalang basagin ang mukha mo.


Nag-hiwalay silang lahat at nakita ko siyang tumatakbo papunta sa pwesto ko. Pinahawak nito ang towel sakin kanina. Dumating siya sa lugar ko na sobrang pawis at hingal.


"Yung mukha mo." bahagya kong tinignan ang pisngi niya. "Tinamaan 'yan kanina diba?" 


Tinapos nito ang pag-inom. Hinawakan niya ang pisngi. "It's fine. Hindi naman nakakabawas ng ka-gwapuhan kapag tinamaan ng bola." 


Kanina ay nag-aalala ako dahil malakas ang pag-kasipa ng bola nang tamaan ang mukha niya pero sa sinabi niya dapat lang atang tamaan siya. Baka sakaling mabawasan ang kayabangan niya. Pinag-dikit ko ang legs ko habang naka-tingin sa likuran niya, pawis pero hindi siya amoy araw. Sobrang bango.


"Anong perfume mo?" gusto ko lang malaman. 


"Bakit mabango ba?" tanong niya saka binaba ang towel. "Huwag mo nang alamin masyadong mahal hindi mo kaya." natatawang sabi niya. 


Nag-singit ang mata ko saka mabilis kong hinampas sa kaniya ang towel. "Hindi ako bibili tinatanong ko lang!" 


Tinawanan niya lang ang masamang timpla ng mukha ko. Mukhang mamaya ulit ang start ng practice nila dahil naupo pa ito sa tabi ko. Mamaya pa ang next class ko after ng break time kaya may one hour pa ako, wala din naman akong ibang magagawa dahil absent si Sadie.


"Hello, everyone!" 


Pareho kaming lumingon ni Vilto, nakita kong nakangiti si Ramir na papunta sa gawi namin. Nag-hamadali pa ito, ang mukha ko ay mas sumimangot ng makita ang ngiti niya pag-hinto sa tapat ko. Agad niyang tinapik ang balikat ni Vilto saka akmang tatabi sakin. 


"Subukan mong umupo makakatikim ka talaga sakin." simaan ko siya ng tingin. 


Natawa lang siya saka doon tumabi kay Vilto. Ano bang ginagawa niya dito? wala ba siyang ibang pinag-kakaabalahan sa buhay at parang madaming time.


"Anong ulam niyo kanina at napunta ka dito?" si Vilto ang nag-tanong. 


"Kakadating ko palang bakit 'yung mga tanong at tingin niyo parang gusto niyo na agad akong pa-alisin." 


"Ngayon mo lang nahalata?" sinilip ko siya sa tabi ni Vilto. 


Malaki siyang ngumiti sakin. "Ganda mo ngayon." 


Biglang naglaho ang tipid na ngiti sakin nang taasan ko siya ng kilay. Inabot ko ang towel sa balikat ni Vilto saka malakas kong hinampas kay Ramir, hindi ko naman target ang mukha niya pero'yun ang tinamaan. 

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon